Abogado ni Kerwin Espinosa patay sa ambush | Bandera

Abogado ni Kerwin Espinosa patay sa ambush

John Roson |February 19,2018
facebook
share this

Abogado ni Kerwin Espinosa patay sa ambush

John Roson - February 19, 2018 - 03:17 PM
Nasawi ang abogado ng aminadong drug lord ng Visayas na si Kerwin Espinosa, nang pagbabarilin ng mga armado malapit sa korte sa Cebu City, Lunes ng tanghali. Dinala pa sa ospital si Atty. John Ungab, ngunit di na umabot nang buhay, sab ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Naganap ang insidente dakong alas-12, habang minamaneho ni Ungab ang kanyang Suzuki Ciaz sedan (KFX-893) sa tapat ng Sugbutel sa Sergio Osmeña Blvd., North Reclamation Area. Kaaalis lang noon ni Ungab at kanyang misis na si Pearl sa kalapit na Quimonda Building, kung saan naroon ang Cebu City Hall of Justice, ani Tolentin. Patawid ng boulevard ang kotse ni Ungab nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo, anang regional police spokesman. Tinamaan sa batok si Ungab at isinugod ng mga tauhan ng Emergency Rescue Unit Foundation (ERUF) sa Chong Hua hospital ng Mandaue City, ngunit binawian ng buhay. Inaalam pa ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin, ani Tolentin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending