Daniel inutusang wag nang lalapit kay Liza, respeto lang daw kina Kathryn at Enrique | Bandera

Daniel inutusang wag nang lalapit kay Liza, respeto lang daw kina Kathryn at Enrique

Alex Brosas |February 19,2018
facebook
share this

Daniel inutusang wag nang lalapit kay Liza, respeto lang daw kina Kathryn at Enrique

Alex Brosas - February 19, 2018 - 12:01 AM


PINAGBAWALAN ng fans ang La Luna Sangre actor na si Daniel Padilla na lumapit kay Liza Soberano.

“Ang masasabi ko lng sayo layuan mo si @lizasoberano kasi nagagalit ang mga #lizquen fans na magkatabi kayo sa ASAP habang nagsasalita. Alalahanin mo kaibigan mo si @enriquegil17 at nanliligaw ke Liza. Pls stop ok,” said one fan.

“Iwasan muna si @lizasoberano talagang magagalit sayo si @enriquegil17 alam mo naman na mahal na mahal ni Quen si Liza,” said another fan.

“Grabe sya oh @normacamu1943 kung makapag utos? Robot ba si DJ? Nagtatrabaho lng sila. Masyado lang kc kayo malisyoso. Hindi ba kyo kontento na masaya ang both camp in real life sa mga partners nila.

“Nagmamahalan off cam. Nagtatrabaho lng cla at kyo lng nagbibigay ng malice. C Kath dba nanood ng movie ni Quen pero wala kayong hanash, ito picture lang at nagkasama lang sa spiel, grabe hanash nyo. Wag nyo sana hintayin na masakal ang mga idols nyo dahil sa ginagawa nyo.

“Pasalamat na lng kyo dahil ang loveteam na nagustuhan nyo ay nauwi sa real life. Hindi katulad sa iba na napilitan lng hangang sa naghiwalay na. Kaya sana respect the artist, wala clang ginagawa masama. di nila deserve mga hanash nyo,” sagot naman ng KathNiel fan.

Painit nang painit ang mga eksena sa La Luna Sangre lalo pa’t nalaman na ni Sandrino na tumitibok na ang puso ni Tristan (Daniel). Pinaghahandaan na nina Malia (Kathryn) ang giyera sa pagitan nila at ng kampo ni Sandrino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending