B-day wish ni Jinggoy: Sana makalaya na rin si Pareng Bong! | Bandera

B-day wish ni Jinggoy: Sana makalaya na rin si Pareng Bong!

Cristy Fermin |February 19,2018
facebook
share this

B-day wish ni Jinggoy: Sana makalaya na rin si Pareng Bong!

Cristy Fermin - February 19, 2018 - 12:30 AM

LIMANG taon na lang mula ngayon ay senior citizen na si dating Senador Jinggoy Estrada. Ginanap ang selebrasyon ng kanyang kaarawan nu’ng isang gabi pero mas pinili niyang salubungin ‘yun sa PNP Custodial Center para makasama niya at ng kanyang pamilya si dating Senador Bong Revilla.

Walang ibang birthday wish si Senador Jinggoy kundi ang sana’y makalaya na rin sa lalong madaling panahon ang kanyang kaibigang karnal.

Ang kanyang sabi, “Nararamdaman ko ang dinadala niya ngayon, tatlong taon kaming nagkasama sa Custodial Center. Alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon sa araw-araw.

“Hindi maitatago ‘yun sa akin dahil sa mahabang panahon ng pinagsamahan namin ni Pareng Bong. Mahirap, nakaiinip, lalo na’t mabagal ang usad ng hustisya. Wala na akong mahihiling pang iba kundi ang mas maaga niyang paglaya,” hiling ni Senador Jinggoy sa kanyang kaarawan.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang pamilya na kailanman ay hindi nagparamdam sa kanya ng pang-iiwan. Mula sa unang araw ng kanyang pagkapiit hanggang sa kanyang paglaya ay nasa tabi ng senador ang kanyang pamilya.

Dagdag pa ni Senador Jinggoy, “Pinasasalamatan ko rin ang mga kaibigan ko na hindi nagpalit ng kulay. Maraming political butterflies, pero masuwerte ako dahil nanatiling tapat sa akin ang mga kasamahan kong pulitiko.

“Du’n pa lang, napakasuwerte ko na. Bibihira ang ganu’n. Ang iba, kapag bagsak na, nawawala na lang,” komento ng senador.

Maraming nagsasabing kakandidato uli bilang senador si Senador Jinggoy Estrada, ‘yun daw ang dahilan kung bakit abala siya ngayon sa pag-iikot sa buong bansa, abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending