Ellen nag-eenjoy sa pananakit at pang-iinis kay Angelica; John Lloyd ander de saya | Bandera

Ellen nag-eenjoy sa pananakit at pang-iinis kay Angelica; John Lloyd ander de saya

Cristy Fermin |February 18,2018
facebook
share this

Ellen nag-eenjoy sa pananakit at pang-iinis kay Angelica; John Lloyd ander de saya

Cristy Fermin - February 18, 2018 - 12:01 AM

 

INE-ENJOY nang husto ni Ellen Adarna ang ibinibigay na atensiyon sa kanya ng publiko. Dati kasi’y isa lang siya sa maraming artistang babae diyan, pero nang madikit-maugnay ang pangalan niya sa isang sikat na aktor ay bigla nang nagkainteres sa kanya ang marami, ikaw na ang maging karelasyon ni John Lloyd Cruz.

Kung totoo ngang nagdadalantao na nang ilang buwan ngayon ang sexy star, siguro’y mas makagaganda sa kanyang kundisyon ang pananahimik na lang muna, ang punla na pumipitik-pitik muna sa kanyang sinapupunan ang bigyan niya ng prayoridad.

Sutil din kasi ang girlfriend ni JLC, kapag inaapuntahan siya ng sumpong ay gustung-gusto niyang iniinis si Angelica Panganiban, pinasasakitan niya ang aktres na parang iniinggit dahil siya ang nagwagi sa puso ng ex ng dalaga.

Ewan naman kung under de saya ba si JLC at hindi man lang nito pinagbabawalan ang kanyang karelasyon. Napakadali lang namang suhetohin ng babae kung totoong nagmamahalan sila at nagrerespetuhan pero bakit parang hindi naman pinakikinggan ni Ellen si JLC?

Nakaka-stress ang pagsagut-sagot ni Ellen kay Angelica Panganiban, hindi ‘yun makagaganda sa kanyang sitwasyon, lalo na’t napakaliwanag namang siya na ang nagmamay-ari sa puso ni Lloydie.

May kailangan pa ba siyang patunayan? Ayan na, o, tinalikuran na nga ng aktor ang kanyang career. May kulang pa ba para maging secure na ang sexy star sa pagmamahal ng kanyang boyfriend?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending