Rico J Puno bentang-benta kay Sylvia Sanchez | Bandera

Rico J Puno bentang-benta kay Sylvia Sanchez

Reggee Bonoan |February 18,2018
facebook
share this

Rico J Puno bentang-benta kay Sylvia Sanchez

Reggee Bonoan - February 18, 2018 - 12:25 AM

WALANG taping para sa Hanggang Saan si Sylvia Sanchez nitong nakaraang Valentine’s Day kaya naman nag-date sila ng kanyang asawang si Papa Art Atayde sa Resorts World.

Nanood sila ng “OPM Timeless” nina Rey Valera, Imelda Papin, Claire dela Fuente at Rico J. Puno. Ayon kasi kay Ibyang gusto niyang tumawa nang tumawa dahil nakasisiguro siyang puro kalokohan ang gagawin ni Rico J sa show na tinaguriang Macho Guwapito ng music industry.

Bukod dito ay nakapanood din sina Ibyang at Papa Art ng show ni Dionne Warwick na ginanap naman sa Solaire Grand Ballroom nitong Peb. 13. Ayon sa aktres, ang ganda-ganda pa rin daw ng boses ng veteran international singer kahit 77 years old na ito.

“Matanda na siya, pero maganda pa rin ang boses at saulo pa rin niya ang mga kanta niya, masarap panoorin,” say ni Ibyang.

Back to work na ulit ang aktres nitong Biyernes kaya sinamantala na niyang makapanood ng lahat ng show na gusto niya. Gusto rin daw niyang manood ng sine.

Samantala, sa umeereng kuwento ng Hanggang Saan ay nabuking na ni Sonya (Sylvia) kung sino ang madalas na kausap ng kapwa niya bilanggo na si Julie na manager ng bangko na kasabwat nina Jacob (Ariel Rivera) at Roman (Junjun Quintana) sa money laundering.

At dahil pinaglalaruan na si Julie sa loob ng bilangguan ay gusto na nitong lumabas kaya iniipit na niya si Jacob na ilabas siya o kakanta siya sa pulis tungkol sa kalokohan nito.

Pumayag si Jacob sa kahilingan ni Julie, pero tuso siya dahil lahat ng may alam sa sikreto niya ay ipinaliligpit niya at pinagpaplanuhan na rin niya si Roman na ilang beses nang pumalpak.

Kinausap din ni Sonya si Julie at sinabing kilala niya kung sino ‘yung kausap niya parati sa cellphone hanggang sa nakipag-areglong magkita sila kapag tulog na ang lahat ng kapwa bilanggo at ipagtatapat nito lahat ng nalalaman.

Nakakahalata na si Jean (Teresa Loyzaga) sa ikinikilos ng asawang si Jacob habang si Anna (Sue Ramirez) naman ay natunton na ang bahay ng babaeng nakita nilang nagpunta sa restaurant nila ni Archie (Marco Gumabao).

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa Hanggang Saan tuwing hapon pagkatapos ng Asintado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending