Mccoy nagsalita na sa isyu ng ‘buntisan’ sa Hashtags | Bandera

Mccoy nagsalita na sa isyu ng ‘buntisan’ sa Hashtags

Ervin Santiago |February 18,2018
facebook
share this

Mccoy nagsalita na sa isyu ng ‘buntisan’ sa Hashtags

Ervin Santiago - February 18, 2018 - 12:30 AM


NAGSALITA na si Maccoy de Leon tungkol sa balitang may dalawang kasamahan daw niya sa grupong Hashtags ang nakabuntis daw.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng ka-loveteam ni Elisse Joson na nakarating din sa kanya ang nasabing chika, “Nagkaroon ako ng idea. Pero hindi ko po masigurado kung…wala po talaga akong mabanggit na pangalan kasi ang hirap pong magsalita talaga.”

“Para sa akin po, hindi ko masigurado kasi wala pa rin akong ebidensiya pa talaga. Pero kung sakaling totoo, alam kong paninindigan nila yon. Kilala ko kasi sila, lahat ng kagrupo ko.”

Kumalat sa social media ang tsismis na may dalawa raw miyembro ng Hashtags ang diumano’y nakabuntis, ang isa raw rito ay menor de edad pa. Wala pang inilalabas na official statement ang mga taong namamahala sa career ng nasabing all-male group. Bukas ang pahinang ito sa kanilang paliwanag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending