AlDub Nation napawi ang pagkatigang kina Alden at Maine; sinariwa ang kilig moments | Bandera

AlDub Nation napawi ang pagkatigang kina Alden at Maine; sinariwa ang kilig moments

Jun Nardo |February 17,2018
facebook
share this

AlDub Nation napawi ang pagkatigang kina Alden at Maine; sinariwa ang kilig moments

Jun Nardo - February 17, 2018 - 12:01 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

TODO-NGITI muli ang AlDub Nation kahapon dahil umere na ang Philipine TV premiere ng “Imagine You & Me”, ang blockbuster movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, bago ang Eat Bulaga.

Eh, nataon pa sa #ALDUB31stMonthsary ang airing ng kanilang pelikula, kaya nabawasan kahit paano ang “pagkatigang” nila sa lambingan ng mga idolo, huh!

Isa-isa nilang sinariwa ang mga eksena nina Alden at Maine. Memoryado rin nila ang ilang linya ng dalawa.

Kaya naman tutok na tutok ang ADN sa panonood kahit na nga napanood na nila ito sa sinehan. Ang karamihan nga sa kanila ay bumili pa ng DVD copy nito pero watch pa rin sila sa TV.

q q q

Patuloy naman ang pagiging Good Samaritan ni Alden nitong nakaraang mga araw. Matapos mag-donate ng dugo para sa project ng GMA Kapuso Foundation, ang mga batang may kanser naman ang pinasaya niya nu’ng Valentine’s Day kasama si Dra. Vicki Belo.

Isang outreach program ang isinagawa nina Vicki at Alden sa Philippine Children’s Medical Center para sa cancer patients. Namigay sila ng laruan, libro, unan at hygiene kits sa mga bagets.

Nakilaro rin si Alden sa batang si Bianca habang si Dra. Vicki naman ay kasama ang isang John Rey na gusto ring maging doctor tulad niya.

Sa Instagram message ni Dra. Belo, nakasaad ang, “Thank you for making this Valentine’s Day the most memorable for me.”

Siyempre, naki-selfie at naki-groufie rin si Alden sa mga batang tuwang-tuwang ng makita siya nang personal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending