True ba, Ang Probinsyano hanggang 2019 pa? | Bandera

True ba, Ang Probinsyano hanggang 2019 pa?

|February 17,2018
facebook
share this

True ba, Ang Probinsyano hanggang 2019 pa?

- February 17, 2018 - 12:05 AM


SPEAKING of Coco Martin, nadurog ang damdamin ng mga manonood sa mismong araw ng mga puso dahil ang muling pagkikita nina Cardo (Coco) at Alyana (Yassi Pressman) ang siya ring nagmarka ng pagtatapos ng kanilang pagsasama sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Umabot na sa sukdulan ang pagtitiis ni Alyana para sa asawang si Cardo kaya naman nagdesiyon na itong tapusin ang kanilang ugnayan.

Nangyari ito matapos malagay sa panganib ang buhay ni Alyana nang habulin siya ng mga hindi kilalang bandido, at imbes na si Cardo, si Marco (JC Santos) ang dumating para iligtas siya.

Sa muli nilang pagkikita, sinariwa nila ang lahat ng kanilang mga masasayang alaala at maging ang kanilang pangako para sa isa’t isa.

Ngunit hindi naging sapat ang mga ito upang panatilihin pa ang kanilang relasyon dahil mas pinili ni Alyana ang kaligtasan ng kanyang buhay at pamilya.

Samantala, nakiramay naman sa madamdaming eksena ang netizens at ibinahagi ang kanilang paghanga sa mahusay na pagganap ng mga bida.

“Nasa huli talaga ang pagsisisi. Masakit na aral para kay Cardo, pero kailangan ipaglaban niya si Alyana hanggang sa huli,” sabi ng Twitter user na si @JohnRonP.

“Puno ng kirot at kurot sa damdamin! Yung line na ‘tapusin na natin…’ ang bigat! Ang sakit,” tweet ni @AnneDeTorres.

Patuloy na tutukan ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pero teka, totoo nga ba ang kumakalat na balita na extended na naman ang Probinsyano at tatagal pa raw ito hanggang 2019? Naku, abangan na lang ang announcement ng Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending