Akala ko mamamatay na 'ko! My God...I cannot die!!!- Vice | Bandera

Akala ko mamamatay na ‘ko! My God…I cannot die!!!- Vice

|February 17,2018
facebook
share this

Akala ko mamamatay na ‘ko! My God…I cannot die!!!- Vice

- February 17, 2018 - 12:05 AM


“AKALA ko talaga mamamatay na ako!” Ito ang naramdaman ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda dahil sa multiple kidney stones.

Ikinuwento ng TV host-comedian ang matinding pain na na-experience niya bago siya maoperahan.

“Two Fridays ago, sobrang sakit, as in galing akong Showtime, pauwi na ako ng bahay, nasa Ortigas na ‘ko. Tapos, bigla yung sakit, hindi ko siya naramdaman yung konting sakit, tapos sumakit nang sumakit, walang ganu’n. As in, masakit na masakit, 1,000 percent agad.

“Tapos pagsigaw ko, yung staff ko, natutulog sa harapan ko. So, sumigaw ako, humingi ako ng tulong, pero walang lumabas sa bibig ko. Seryoso. Pag nilalakasan ko, lalong sakit. Sa Ingles, excruciating, akala ko talaga mamamatay na ako,” kuwento ni Vice.

Dahil sa tindi ng sakit, nagpasugod na raw siya sa ospital, “As in ang sakit, sakit, sakit, sakit, sobra. Pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Mas masakit pa sa nakasalubong mo yung ex mo na may dyowa na siya, tapos masaya sila.”

Habang naka-confine raw siya sa ospital, “Du’n ko na-realize na, ‘My God, I cannot die.’ Akala ko kasi mamamatay na ako, e. Pero I cannot die. I don’t wanna die. Hindi sa hindi ako handang mamatay.

“Ayoko pa palang mamatay kasi ang sarap pa ng buhay. Ang sarap ng buhay. Isang magandang-magandang rason lang ang nakita ko kung bakit hindi dapat matapos ang buhay ko, kasi ang sarap-sarap ng life.

“Let’s embrace our lives, enjoy our blessings from pinakamaliit hanggang pinakamalaki, at magpasalamat tayo araw-araw,” chika pa ng TV host.

Medyo maghihinay-hinay din daw ngayong taon si Vice sa pagtatrabaho, ipapahinga muna niya ang kanyang katawang-lupa para maka-recover totally sa pinagdaanang operasyon.

Samantala, na-touch naman daw si Vice sa sweetness ng kanyang kaibigang si Coco Martin. Ipinost niya sa kanyang Instagram account ang ipinadalang bulaklak ni Coco sa kanya.

“Flowers, fruits, ang dami isang tiklis ang ipinadala niya. Kasi nanonood ako ng TV nu’n, tapos nakita ko si Coco, bigla ko siyang na-miss, ‘My God, di ko na ito nakikita.’ Tapos, nag-text, ayun, nagpadala na nga nu’n,” pahayag pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patunay lang ‘yan na talagang walang issue sa pagitan nina Vice at Coco, na hindi totoong nagkaroon sila ng matinding away nang dahil lang sa paglalaban nila sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending