Regine susugod sa Cebu para sa ‘The Clash’ auditions | Bandera

Regine susugod sa Cebu para sa ‘The Clash’ auditions

|February 17,2018
facebook
share this

Regine susugod sa Cebu para sa ‘The Clash’ auditions

- February 17, 2018 - 12:30 AM

REGINE VELASQUEZ

PANGUNGUNAHAN ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang nationwide auditions para sa newest singing competition ng GMA, ang The Clash. Ngayong araw ay nasa Cebu siya para sa auditions na gaganapin mula 10 a.m. hanggang 9 p.m. sa Gaisano Island Mall Mactan.

Sa singing competition na ito ay maghaharap ang mga nagnanais maging next solo singing superstar ng bansa.

Ang kompetisyon ay bukas para sa mga babae at lalaking Pinoy, amateur man o professional singer na may edad 16 pataas. Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magdala ng orihinal at photocopy ng kanilang birth certificate kasama ang dalawang recent photos (isang 2×2 at isang full body shot).

Dapat ay maghanda rin sila ng at least dalawang kanta (English at Tagalog) na may minus-1 audio.

Maaari rin namang kantahin ang piyesa kasama ng musical instruments.

Magkakaroon din si Regine ng “Kapuso Meet & Greet” sa ika-4 ng hapon.

Panoorin ang The Clash, ang bagong superstar search ng GMA ngayong 2018 sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending