Erich, Lovi hugutan sa ‘Significant Other’ | Bandera

Erich, Lovi hugutan sa ‘Significant Other’

Cristy Fermin |February 16,2018
facebook
share this

Erich, Lovi hugutan sa ‘Significant Other’

Cristy Fermin - February 16, 2018 - 12:30 AM

LOVI POE AT ERICH GONZALES

HINDI naman sila nagpaistaran, pero nag-aagawan ng ilaw ang ganda at husay nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikulang “The Significant Other” ng Cineko Productions, wala kang itatapon sa pagganap ng dalawang aktres sa pelikula ni Direk Joel Lamangan.

Kuwento ito ng isang magandang pagkakaibigan na winasak ng pag-aagawan nila sa isang lalaki, si Tom Rodriguez, na mister ni Lovi Poe. Puwede na talagang pakawalan sa mga seryosong proyekto sina Lovi at Erich, malalim na ang natutuhan nila sa paglipas ng panahon, hindi na sila basta magagandang mukha lang.

Ang kuwento ng “The Significant Other” ay napapanahon, nagaganap ‘yun sa totoong buhay ng mga artistang mas binibigyan ng importansiya ang kanilang career kesa sa personal nilang buhay, ganu’n ang ginawa ni Lovi Poe bilang isang sikat na modelo.

Idolo siya ni Erich, gusto nitong matulad sa kanya na sikat na sikat sa rampahan, pero ang pagkakaibigan nila’y nasira nang dahil kay Tom na naging karelasyon din si Erich.

Ang gaganda ng kanilang mga eksena, pinabayaan silang makalipad ni Direk Joel sa angkin nilang galing sa pagganap, panalung-panalo ang kanilang mga hugot lines sa pelikula.

Sa February 21 na ang showing ng “The Significant Other,” masarap gawing salamin ang proyektong ito tungkol sa isang triangle love story, karaniwan na ang istoryang ganito pero binigyan ng bagong atake ni Direk Joel Lamangan at ng Cineko Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending