KZ: ‘Yung mga kalokahan ko sa stage, minana ko po kay Jessie J! | Bandera

KZ: ‘Yung mga kalokahan ko sa stage, minana ko po kay Jessie J!

Reggee Bonoan |February 16,2018
facebook
share this

KZ: ‘Yung mga kalokahan ko sa stage, minana ko po kay Jessie J!

Reggee Bonoan - February 16, 2018 - 12:05 AM

JESSIE J AT KZ TANDINGAN

Sobrang bumilib si KZ Tandingan sa ultimate idol niyang si Jessie J dahil napaka-down to earth daw pala nito.

Oo nga, ipinakita rin naman sa video na sa unang pagkikita nina KZ at Jessie J sa talent show ng China na Singer 2018 ay lumuhod pa ang international singer para lang yakapin ang una dahil napansin daw nitong ninenerbyos siya at napaiyak pa sa sobrang tuwa.

Lagi raw hinahawakan ni Jessie J ang kamay niya kapag hinihintay na ang resulta ng ranking pagkatapos ng kanilang performance.

“Sobrang na-appreciate ko na everytime na nakikita niya ako, ine-encourage niya ako at everytime na magkatabi kami at naghihintay ng results, hinahawakan niya kamay ko kasi alam niyang kinakabahan ako. Kahit alam niyang sobrang faney na faney ako sa kanya, she doesn’t make me feel na I’m below her,” kuwento ng dalaga.

Very honest ding inamin ni KZ na hindi niya gustong talunin ang idolo niya.

“Hindi, eh kasi nga kung makita lang ninyo ang reaksyon ko kapag nagpe-perform siya, sila-sila (contestants) parati ‘yung pumipigil na, “Beh, masyadong fan na fan ang dating.’

“Napanood naman ninyo na sinabi ko na okay na ako sa 2nd place, kasi nga kay Jessie J ang 1st.

Nag-thank you pa nga ako, tapos nu’ng tinawag na ako ‘yung 1st place, sobrang nagulat talaga ako!

“Siyempre kung ano ako ngayon, napakalaki ng factor ni Jessie J, kung baga ‘yung mga kalokohang ginagawa ko sa stage, minana ko lang sa kanya.

“Naging malaking influence siya sa akin, pero hindi ko naman siya ginagaya, ang dami kong natutunan sa kanya na ngayon ay ini-incorporate ko sa sarili kong style,” kuwento pa ng dalaga.

Sa eksklusibong panayam namin kay KZ nitong Martes ng hapon, hindi raw talaga niya inaasahang lulusot siya sa audition dahil nu’ng nangyari ito noong Nobyembre, 2017 ay maysakit pa siya at hindi siya prepared.

Ipinatawag daw siya nina Cory Vidanes, ABS-CBN Chief Operating Officer at Head of TV Productions na si Direk Laurenti Dyogi na may gaganaping audition.

“In-explain nila na mayroong audition on that day na nandito ‘yung taga-Hunan TV (China) at may audition daw para sa ganitong show. Hindi ko naiintindihan nu’ng time na yun kasi may sakit ako.

“Familiar naman ako sa show kasi may mga viral videos na, pero hindi ko na-realize na ‘yung show na yun pala ‘yung sinasabi nila. Noong una naghe-hesitate ako kasi pag audition kailangang ready ka, prepared ka,” esplika pa ni KZ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibabahagi namin ang iba pang detalye sa pagsali ni KZ sa Singer 2018 sa mga susunod na issue ng BANDERA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending