Horoscope, February 16, 2018 | Bandera

Horoscope, February 16, 2018

Madam Sophia |February 16,2018
facebook
share this

Horoscope, February 16, 2018

Madam Sophia - February 16, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, maghanda sa kamangha-manghang sandali, sopresang romansa ang darating. Sa salapi, may mang-uuto na naman sa iyo, kilalaning mabuti ang pauutangin upang hindi ka masuba. Mapalad ang 1, 13, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Green at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—May mga gastusing hindi inaasahan. Hindi ito ang tamang panahon upang maglabas ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, ito ang tamang panahon upang pag-ukulan ng dagdag na oras ang minamahal. Mapalad ang 3, 18, 21, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Om-Karan.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, isang nakakikilig na sitwasyon ang magaganap isa-isang magbabalik ang alaala ng lumipas. Sa pinansyal, mag-ipon ng pera para sa biglaan at hindi inaasahang pakikipag-date. Mapalad ang 7, 9, 30, 34, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Red at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang pagkukuwari upang mas madaling makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig, kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lokohin. Mapalad ang 5, 18, 26, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Upang gumaang ang pasok ng pera, kulay apple green ang ipintura sa inyong dingding. Sa pag-ibig, apple green din ang magbibigay ng dagdag na kilig at saya sa inyong relasyon. Mapalad ang 1, 7, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Bukod sa apple green buenas din ang yellow.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung hindi ka magpapaimpluwensiya sa iba. Sa pag-ibig, hanggat pinapatulan ang intriga, hindi mapapanatag ang inyong relasyon. Manahimik! Mapalad ang 1, 10, 19, 31, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Bhuvah.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. Bago tuluyang mahulog ang loob, isipin mong mabuti kung paano siya mapagkakaperahan. Sa pag-ibig mag-ingat sa imoral na relasyon. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Gray at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ang inyong relasyon ay dadaan sa isang pagsubok na lagi namang nangyayari. Magpakatatag! Sa pinansyal, kung hindi ka magtitipid talagang mabilis na mauubos at masisimot ang pera. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Factum-Aum-Miraculum.” Pink at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansyal, panatiliin ang pagiging bukas ng isip upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, huwag ipilit ang iyong gusto na ikagagalit naman ng iyong kasuyo upang maiwasan na ang madalas na diskusyon at pagtatalo. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om-Purana.” Yellow at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tuloy ang magandang kapalaran basta lagi lang sunod sa iyo ng sunod sa mga pinapagawa mo ang kasuyo. Ipaliwanag mo sa kanya, na ikaw ang suwerte niya. Sa pinansyal, may bagong pagkakakitaang darating. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Udatta-Aum-Savitra.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig, upang muling uminit ang relasyon ngayon pa lang iplano na ang summer vacation sa tabing dagat. Okay lang kung medyo magastos, at least nakapag-relax naman kayo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yhoti-Om-Bhakti.” Beige at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Panatilihin ang pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan upang tuloy-tuloy kang pagpapalain ni Lord. Tandaan na walang kapaguran ang pag-ibig sa kapwa. Mapalad ang 4, 13, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Aum-Arjuna.” Gray at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Higit na uunlad kung isang kalakal lang muna ang papasimulan na may kaugnayan sa pagkain at agricultural products. Sa pag-ibig, huwag nang kulitin ang kasuyo magsasawa din yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 2, 20, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending