Poe: Bigyan ang MRT hanggang Marso para maiayos ang rail system | Bandera

Poe: Bigyan ang MRT hanggang Marso para maiayos ang rail system

|February 15,2018
facebook
share this

Poe: Bigyan ang MRT hanggang Marso para maiayos ang rail system

- February 15, 2018 - 05:53 PM
UMAPELA si Sen. Grace Poe sa publiko na bigyan ang  Department of Transportation (DOTr) ng hanggang Marso para tuparin ang pangako na ayusin ang serbisyo ng   Metro Rail Transit-3 (MRT-3). “Talagang malaki ang problema diyan at alam naman natin iyon, dumadating na ang mga parts,” sabi ni Poe. Ito’y matapos ang ulat na may pagkakataong tatlong tren lamang ng MRT ang tumakbo. “Binibigyan natin ng pagkakataon ang DOTr na ikabit iyang mga parts na iyan pero siyempre hindi naman pwedeng isaksak na sabay-sabay iyan. So realistically siguro sinasabi nila end of February, bigyan naman natin sila ng hanggang March,” dagdag ni Poe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending