Horoscope, February 15, 2018 | Bandera

Horoscope, February 15, 2018

Madam Sophia |February 15,2018
facebook
share this

Horoscope, February 15, 2018

Madam Sophia - February 15, 2018 - 03:45 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na dadapo ang suwerte at magandang kapalaran kung pula ang isuot mong kulay. Sa kulay na pula, maraming pera ang matatanggap habang patuloy ding iinit ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red buenas din ang magenta.

Aries – (Marso 21-April 19) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Sagittarius kung pansamantalang didistansya muna kayo sa isat-isa. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Elohim-Om.” Green at blue ang bueanas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag umasa sa iba, sa halip mag-establish ng sariling career at negosyo upang mas mabilis na lumago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Hindi ka dapat kakalat-kalat, kailangang magkaroon ka ng career. Ang magandang career na naghihintay ay nasa ibayong dagat. Sa pag-ibig, higit kayong uunlad at magiging maligaya ang iyong pamilya kung sa abroad kayo maninirahan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dahli-Umali-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Hanapin ang mas malalim na diwa ng huhay! Wala sa limpak-limpak na salapi ang tunay na ligaya. Sa pag-ibig at sa pagtulong sa kapwa mararamdaman ang tinatawag nilang inner peace at true happiness. Mapalad ang 1, 16, 25, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naham-Namo-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ang lahat ng bagay ay lumilipas, pati na rin ang mga problema. Kaya wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang ngumiti at sabihin sa sarili, “Mula sa araw na ito, lilisan na ang mga suliranin upang ang mga ginintuang suwerte naman at magagandang kapalaran ang dumating!” Kapag ganyan ang attitude mo sa buhay, tuloy-tuloy ka ng uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 1, 11, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Will power ang kailangan, ipilit ng ipilit ang iyong gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung lagi mong sinusunod ang kasuyo. Kailangang siya naman ang sumunod sa iyo. Mapalad ang 7, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at black ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Paikot-ikot lang ang kapalaran, na ibig sabihin kung namumrobema ka man sa kasalukuyan, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aquarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Red at lilac ang bueans.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Cancer sa kanya ka lubos na liligaya. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ka, nasa materyal na bagay ang tunay na kaligayahan. Kaya naman, umpisahan mo ng mag-ipon ngayon para sa kinabukasan. Sa pag-ibig, higit na payapa ang isipan kung marami pang “reserved fund” o perang nakatabi na madudukot mo sa biglaang pangangailangan. Mapalad ang 9, 19, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi ka kaiingitan kung mananahimik ka lang at kapag nawala na ang mga naiingit sa iyo mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ang romansa espesyal na inaasahan ng kasuyo ay napurnada. Muling ulitin ang nakaraang pagniniig sa ibang lugar naman, na malapit sa nature. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenan-Om.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansyal, hintaying muling mag-full moon upang dagdag na salapi ang matangap. Sa pag-ibig, higit na mas magiging masarap ang romansa kung sa katanghaliang tapat ito gagawin. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya! Isang Virgo ang tutulong upang lalo pang lumago ng lumago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, isang Scorpio na katabi mo lang, ang may lihim sa’yong pagnanasa – mag-ingat! Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending