Sharon: Gabby is my original Prince Charming...Thank you for the years of true love!!! | Bandera

Sharon: Gabby is my original Prince Charming…Thank you for the years of true love!!!

Ervin Santiago |February 15,2018
facebook
share this

Sharon: Gabby is my original Prince Charming…Thank you for the years of true love!!!

Ervin Santiago - February 15, 2018 - 12:05 AM


PINAGSISISIHAN ni Sharon Cuneta ang paglalabas niya ng sama ng loob sa pamamagitan ng social media noong kasagsagan ng isyu tungkol sa break-up nina KC Concepcion at Piolo Pascual.

Sinagot kasi ni Mega ang isang netizen sa kanyang viral Facebook thread kung saan sinagot niya ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife noon. Post ni Krizette Laureta Chu, “Di ba nung 2012 medyo nag warfreak si ate girl sa Twitter?! Pero she’s always been sweet before that? KASALANAN ULIT NI KIKO YAN.”

Pero sey ni Shawie pinatulan niya ang mga bashers hindi dahil problemado siya sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan, kundi dahil sa nakakapikon ng pambabastos pambabatikos kay KC nang maghiwalay na sila ni Piolo.

“Hindi po kasalanan ni Kiko. Kasalanan ng nagbreak ng Heart ni KC. I don’t make paki to my eldest child’s relationships/break-ups. But Mali pag niloko ka ng ibang klase.

“I loved that boy and now I always will. We have been okay. I am a mother. Yun lang ang kasalanan ko. Pinaglaban ko ang anak ko kasi di sya makasalita.

“I regret taking it out on social media though. Di pa kasi ako sanay sa bashers noon na matapang lang nga naman kasi di mo sila kilala. In private to tell u the truth, I would beat up any basher na walang balak sa buhay kundi manira ng kapwa at puro pagsisinungaling lang.

“Sorry I am a truly sweet nice person. I am a lady. But do you know my father? Hahaha! I also grew up with one brother. I fight like a boy it’s been a while though. Kakahiya huwag niyo gayahin!” ani Shawie.

Samantala, patuloy pa ring pinag-uusapan ng madlang pipol ang viral TV commercial nina Sharon at Gabby Concepcion para sa bagong ad campaign ng McDonalds. Kilig overload at #GabSha pa more ang sigaw ng kanilang mga supporters.

Imagine, milyun-milyon na ang nakuhang views (8.8 million and still counting) at likes ng McDonalds commercial ng dating mag-asawa kung saan bumida nga ang friend chicken at french fries ng nasabing fast food joint. At in fairness, talagang mas tumindi ang clamor ng publiko para muling magsama sa pelikula ang ex couple.

Sabi nga ni Mega, ngayon niya napatunayan na buhay na buhay pa rin ang mga fans nila ni Gabby kahit na ilang taon na silang hindi nagkakasama sa isang project. Paniniguro ni Mega sa GabSha loyalists, “This is only the beginning!” Ibig sabihin, marami pang dapat abangan ang madlang pipol.

Narito ang isa sa mga madamdaming post ni Mega sa napakainit na pagtanggap muli ng publiko sa kanila ni Gabby, “I had a feeling this would be something special – mainly because every single thing Gabby and I ever did and made together (including our daughter, hahaha!) was a sure success, & in more ways than one. But I didn’t know what to expect in terms of how our public would receive us now that we are older, now that we have been apart for 26 years onscreen, & not exactly friends offscreen.

“I didn’t even know what to expect of Gabby when we were about to shoot the TVC and prayed so hard that it would be at least pleasant. But now, I have been overwhelmed… too happy…in major disbelief…and I don’t know what else and how else I am feeling. I have been alternately crying and laughing – all from my heart – all day long. The TVC is a huge success. So very huge. God is truly good.

“Now there is more that only Gabby my original Prince Charming and I can do. Thank you, Gabby. For the years of true love, for KC, for all the happy memories. Thank you for and to McDonald’s for allowing us to do this together. Thank you to our amazing God who has allowed what I thought would never be possible in KC’s lifetime to happen!”

In fairness, hindi lang ang anak nilang si KC at ang kanilang die hard fans ang talagang kinilig sa dream reunion project na ito, kundi pati na rin ang mga local celebrities na nasubaybayan ang kanilang tambalan at pagmamahalan.

Hirit nga ng isang netizen, “OMG! McDo lang pala ang sagot sa pinakaaabangang reunion nina Sharon at Gabby! Sana nga movie or teleserye na ang next!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguradong may mga susunod pang pasabog ang dating mag-asawa sa mga susunod na raw kaya ‘yan daw ang inyong abangan! Para sa lahat ng mga hindi pa nakakapanood ng latest TV commercial nina Mega at Gabo, go lang kayo sa YouTube channel ng McDo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending