Ruru maraming natutunan kay Siri The Wonder Dog | Bandera

Ruru maraming natutunan kay Siri The Wonder Dog

|February 15,2018
facebook
share this

Ruru maraming natutunan kay Siri The Wonder Dog

- February 15, 2018 - 12:30 AM

NAWALA  na talaga ang takot ni Ruru Madrid sa mga aso simula nang makasama niya sa trabaho ang Kapuso wonder dog na si Serena sa isa pang hit na hit na GMA Telebabad series na Sherlock Jr..

Hindi na siya tulad ng dati na sobra ang ilap sa mga aso kapag nalalapitan nito. In fact, aminado si Ruru na ang petmalung si Siri ang nagturo sa kanya na huwag nang katakutan ang mga dogs.

Sa Instagram Stories nga ni Siri, makikita ang mga candid moments ng dalawa lalo na kapag off-cam.

Talaga ngang BFF na ang turingan nilang dalawa.

Kaya no wonder na ito na ngayon ang pinakapaboritong show ng mga manonood gabi-gabi sa primetime.

Super relatable kasi ang kuwento at talaga namang kagigiliwan ng bawat Pinoy na mahilig sa aso.

Kasama pa rin sa Sherlock Jr. sina Gabbi Garcia, Andre Paras, Tonton Gutierrez, Sharmaine Arnaiz at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending