Mga Pinoy mas pipiliin ang career sa love life- SWS

By Leifbilly Begas February 13,2018
share this

Mga Pinoy mas pipiliin ang career sa love life- SWS

By Leifbilly Begas February 13,2018
share this

Kung papipiliin, mas maraming Pinoy ang nagsabi na mas prayoridad nila ang career (59 porsyento) kaysa sa love life (41 porsyento), ayon sa survey ng Social Weather Station.
Batay sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, sa tanong kung naranasan na ba nila na maging successful ang love life at career ng sabay, sumagot ang 66 porsyento ng Oo at 34 porsyento ang hindi pa nakararanas nito.

Nakararami naman ang nagsabi na very happy sila sa kanilang love life (57 porsyento), 29 porsyento naman ang nagsabi na ‘sana mas masaya pa’ at 14 porsyento naman ang walang love life.
Sa survey noong 2016, 55 porsyento ang nagsabi na very happy sila, 31 porsyento ang sana mas masaya pa at 14 porsyento ang walang love life.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na pawang 18-taong gulang pataas. Mayroon itong tatlong porsyentong error of margin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending