Bossing, Pauleen road trip lang sa V-day

By Jun Nardo February 14,2018
share this

Bossing, Pauleen road trip lang sa V-day

By Jun Nardo February 14,2018
share this

VICSOTTO AT PAULEEN LUNA

ROAD trip ang Valentine’s Day celebration nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Bandang Norte ang destinasyon nila base na rin sa post ni Poleng sa Instagram.

Ang pagbiyahe-biyahe ang madalas na bonding nina Bossing at Poleng nu’n pa mang hindi pa sila kasal.

Sinamahan din nila ito ng food trip dahil kapwa rin sila mahilig sa pagkain.

This time, kasama na nila ang anak nilang si Thali. Need lang nilang bumalik agad dahil meron pa silang Eat Bulaga.

q q q

Si Ai Ai delas Alas, maagang nakatanggap ng Valentine gift mula sa asawang si Gerald Sibayan. May V-day show kasi tonight si Ai sa Palacio de Manila with Piolo Pascual kaya working day sa kanya ang araw na ito.

Anyway, Araw ng mga Puso ngayon. Komo commercialized na nga ang selebrasyong ito, tiba-tiba na naman ang mga negosyante.

Malas nga lang ng mahilig kumain ng karne dahil ngayon din magsisimula ang Kuwaresma. Today ang tinatawag na Ash Wednesday.

Sa mga Katoliko, isang banal na araw ito kaya iwas sa pagkain ng karne ng baboy, kambing, manok at baka. Sakripisyo rin ng pagkain ng isang meal sa isang araw bilang fasting.

Tambak din ang V-day concerts at shows sa maliliit at malalaking lugar. ‘Yung hindi mahilig manood ng concerts/shows, manood muna ng “My Fairy Tail Love Story” nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
Happy Valentine’s Day!

q q q

Marami ang nagtaka nang makita nila ang isang post sa Instagram kung saan magkasama sina Sophie Albert at Vin Abrenica sa Bali, Indonesia. Seksi-seksihan ang suot nila na feeling ng nakakita sa photo eh celebration nila ng V-day.

Eh, sa presscon ng GMA series na The One That Got Away kung saan kasali si Sophie, kinumpirma niyang hiwalay na talaga sila ni Vin. Dati kasi, on and off ang relasyon nila.

So, kailangang magpaliwanag muli ni Sophie sa post niyang ito. Maging ang manager niyang si Manny Valera, alam na hiwalay na sila ng brother ni Aljur Abrenica.

Aba, tulad ni Aljur, malakas din ang kamandag ni Vin kung sakaling nagkabalikan sila ni Sophie. Si Kylie Padilla noon, naghiwalay na sila ni Aljur dati at nu’ng magkabalikan, hayun at nagbuntisan agad, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending