Ser Chief 50 na pero yummy pa rin, gustong papakin ng fans

By Alex Brosas February 14,2018
share this

Ser Chief 50 na pero yummy pa rin, gustong papakin ng fans

By Alex Brosas February 14,2018
share this


LUMABAS ang ilang photos at isang video ni Richard Yap sa isang Facebook account with this caption:

“Kung lahat ng singkwenta anyos eh ganito ka-yummy, sino ba naman tayo para maging choosy pa! BOW! Ladies and gentlemen, 50 year old Richard Yap? KANIN PLEASEEE.”

Richard was captured habang nagpapalit siya ng damit sa taping ng Sana Dalawa Ang Puso. Talagang hahangaan mo siya dahil sa kanyang disiplina sa kanyang katawan. Hindi mo iisiping he’s already 50.

“Ganitong ganito itsura niya nung nakita ko siya sa Elevator ng Medical City. Hahaha! Fit na fit yung polo niya tapos ang macho na matangkad. akala mo binata eh.”

“Hahahaha! Ang gwapoooo! Kagigil. hehehe.”

“One more reason to love chinoys. They look better as they age. Hahahahaha.”

“Look at papa chen oh? My goodness!!!”

Actually, nagpa-sample na si Richard ng kanyang kakisigan sa Sana Dalawa Ang Puso. Ito ‘yung eksenang nalasing siya at hubad-baro sa isang eksena with Mona (Jodi Sta. Maria). Kilig na kilig si Mona at hindi makapaniwalang nakita niyang half-naked ang crush niyang si Martin (Richard).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending