Gab-Sha may pasabog uli pagkatapos ng viral tv ad, ka-join na raw si KC

By Alex Brosas February 14,2018
share this

Gab-Sha may pasabog uli pagkatapos ng viral tv ad, ka-join na raw si KC

By Alex Brosas February 14,2018
share this

GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

FOR a change, blind item muna tayo.

Talk nang talk ang isang talent manager about a super sikat na aktres noon and the emerging TV host then.

Naghiwalay na ang aktres at ang kanyang husband and the actress went to a wedding kasama ang kanyang bagong boyfriend na super hunk actor.

Hushed conversation went nang dumating si female TV host habang nakaangkla sa ex-husband ng aktres. Kulut-kulutan ang hair ng female TV host and she made sure that she will be talked about.

Talagang pinag-usapan ang kanyang grand entrance.

Nang makita ng aktres ang kanyang husband with the female TV host in tow, she reportedly wailed, “sino ba ‘yung poodle na kasama ng ex-husband ko?”

Laugh kami nang laugh nang makarating sa amin ang one-liner ng aktres.

q q q

With the success of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion’s fastfood commercial na ang balita nami’y naka-more than 7 million views na sa social media, may nakahanda na raw na potentially hit follow-up.

Tiyak daw na pag-uusapan ang second TVC nina Sharon and Gabby dahil diumano’y makakasama na nila ang anak nilang si KC Concepcion.

‘Yan ang nakarating sa aming chika na hindi namin alam kung matutuloy. Pero kung kami ang tatanungin, magandang follow-up nga ‘yan sa current TVC nina Sharon at Gabby.

We were informed na sa December ilalabas ang gagawing commercial nina KC, Sharon and Gabby. Matuloy kaya ito? Sana dahil tiyak na waging-wagi ito kapag naipalabas na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending