Hunk actor mahilig sa make-up

By Cristy Fermin February 14,2018
share this

Hunk actor mahilig sa make-up

By Cristy Fermin February 14,2018
share this

PURO hagalpakan ang maririnig sa paligid kapag pinagpipistahan ng kanyang mga dating katropa ang isang hunk actor na ibang-iba na ang imahe sa tunay nilang pagkakilala.

Ibang-iba na talaga dahil nu’ng magkakasama pa lang sila ay iba ang alam nilang kinahihiligan ng hunk actor. Kakaibang-kakaiba sa mga pinaggagagawa niya ngayon.

Kuwento ng aming source, “Kilala siya sa pinasukan niyang school dahil active siya sa mga extra-curricular activities. Lahat ng kaganapan sa school, kasali siya at sumasali talaga siya!

“Outdoor activities, dance number, sports, name it, kasali siya. Mahilig talaga siyang umeksena, kaya kilalang-kilala siya sa campus.

“Malambot ang pagkakilala nila kay hunk actor, one of us, sabi nga ng mga katropa niyang girls, dahil talagang halatang-halata nila na kakaiba siya,” kuwento ng aming impormante.

Pero nagulantang ang kanyang mga kaibigan nang mag-artista na ang kanilang dating kasamahan. Iba na ang kanyang packaging, pang-leading man na siya, natulala ang tropa.

“Naloka ang grupo lumaki na ang katawan ni male personality, ibang-iba na ang kanyang kilos, may mga pictorial pa siyang super-sexy dahil inilalantad nga niya ang magandang body niya.

“Nagtatanungan tuloy ang mga dati niyang kasamahan, paano nangyari ‘yun, bakit ibang-iba na ang itsura ng kanilang kumadre? Lalaking-lalaki na siya, pinaliligiran na ng mga girls sa isang pictorial, anyare?

“Ang revelation ng tropa, kapag bumibili raw sila nu’n ng make-up, e, ang hunk actor pa nga ang nagiging guide nila! Alam niya kasi kung anu-anong brand ang maganda, siya pa ang nagtuturo sa mga kasamahan niya kung paano ‘yun gamitin dahil alam niya ang paraan para makatipid ang mga friends niya!

“Tapos, nakita na lang nila na ibang-iba na ang friend nila, leading man na, matigas na matigas na ang dating at hindi na malambot na tulad nu’ng magkakasama pa sila.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya, di kayo maliligaw, di kayo mauupo sa row 4, di kayo mabobokya sa panghuhula kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending