Xian gugulatin si Kim sa surprise ‘Valentine date’

February 14,2018
share this

Xian gugulatin si Kim sa surprise ‘Valentine date’

February 14,2018
share this

XIAN LIM AT KIM CHIU

SIGURADONG may sorpresa raw si Xian Lim sa kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu ngayong Araw ng mga Puso.

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Xian na “Sin Island”, inamin niyang wala pa siyang naiisip kung paano ise-celebrate ang Valentine’s Day, “Yun nga ang mahirap wala pa akong plano. Mahilig talaga ako sa grand gestures. I think growing up watching romantic comedy films and doing romantic films parang nasa loob ko talaga siya, eh. Kasi ang dami rin naming screenings and stuff but defintiely hindi mawawala yun.”

Kung matatandaan, tuwang-tuwa si Kim sa whole day outdoor date na inihanda ni Xian para sa kanya two years ago, kabilang na riyan ang hot air balloon ride at go-kart racing.

Sey ni Xian, “I have thing na hindi ko inuulit (yung date) I think dapat never inuulit dapat gumagawa ka palagi ng bago di ba? Kasi yung mga may grand gestures na date I think around six years na? Since Binondo Girl nagkatrabaho kami I’ve always loved surprising her and seeing her reaction.”

At kahit daw busy siya sa promo ng “Sin Island” kung saan kasama niya sina Coleen Garcia at Natalie Hart, na showing na ngayong araw, sisiguraduhin niyang magkakasama sila ni Kim ngayong hearts’ day, “Siyempre we love spending time with each other. Wala kaming ganung negativity na iniisip. In-invite ko na siya manood. But sabi naman niya oo naman papanoorin niya pag libre yung schedule niya nagsu-shooting din kasi siya this time, e.”

Nang matanong kung posible bang magtambal sila this year sa isang project, wala pa raw silang alam, “Because sa amin talaga, we just really support each other. We do talk about it, nagkukuwentuhan kami but that’s all we can do talaga eh. And sa mundo namin the best gift you can possibly give is your time and your support for each other, yun lang talaga eh.”

q q q

Samantala, siguradong ikagugulat ng madlang pipol ang mga pinaggagagawa ni Xian sa “Sin Island” kung saan tumodo siya nang pakikipagromansahan kina Coleen Garcia at Natalie Hart.

First time magpapaka-bold and daring si Xian sa isang pelikula and take note, dalawang girls pa ang nakachurvahan niya. Sey nga ng binata, kung gusto n’yong maiba ang selebrasyon n’yo ng Valentine’s day, manood kayo ng “Sin Island”.

“If you want spice in your life, this movie is perfect for you, kumbaga ‘wag kang kakain noong bland lang. With spice dapat!”

Hirit naman ni Coleen, “It’s an anti-Valentine’s Day film! Ha-hahaha! But I feel like everyone will enjoy it kasi.”

“If you’re single, if you’re taken, kung gusto mong mag-celebrate ng Valentine’s Day with your barkada, perfect siya because everyone will be able to enjoy. Hindi siya ‘yung tipong manonood ka ng rom-com tapos made-depress ka na lang sa huli kasi wala kang jowa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending