Dyowa ni Pia di feel magpa-interview sa showbiz press

By Julie Bonifacio February 14,2018
share this

Dyowa ni Pia di feel magpa-interview sa showbiz press

By Julie Bonifacio February 14,2018
share this


FIRST time naming nakita nang personal ang boyfriend ni dating Miss Universe Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger sa 2018 Miss Mandaluyong kung saan isa siya sa mga hurado.

Balak sana namin siyang interbyuhin pero sinabihan na kami ng GMA 7 entertainment news correspondent and host na si Lhar Santiago na hindi nagpapainterbyu ang BF ni Pia.

Kaya nagpapiktyur na lang kami sa kanya. Pero may ilang kasamahan din kami sa media na nag-try pa rin na interbyuhin ang binata. Pero sinabihan sila ng alalay ni Marlon na ‘di siya nagpapainterbyu.

Siyempre, disappointed ang mga reporter upon learning it.

Anyway, in-announce ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na mula sa title na Miss Mandaluyong ay magiging Miss Millennial Mandaluyong na ito. We heard, sumali sa Miss Millennial Philippines sa Eat Bulaga ang 2017 Miss Mandaluyong. At malamang sumali rin sa EB ang kokoronahang 2018 Miss Mandaluyong.

Pero nilinaw ni Mayor Menchie na wala silang koneksyon sa beauty pageant ng EB. Si Shaira Marie Rona ang kinoronahang 2018 Miss Millennial Mandaluyong, si Joy Barcoma ang First Runner-Up, 2nd Runner-Up si Tammy Caballero, 3rdRunner-Up si Jacqueline Flores at 4th Runner-Up si Mitzi Daryl Balatbat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending