Piyesa ng MRT dumarating na

By Leifbilly Begas February 13,2018
share this

Piyesa ng MRT dumarating na

By Leifbilly Begas February 13,2018
share this
   Asahan na umano ang unti-unting pagganda ng serbisyo ng Metro Rail Transit 3 sa pagdating ng mga piyesa para sa mga tren nito.
    Ayon sa MRT 3 maituturing na Valentines gift sa mga mananakay ang pagdating ng mga piyesa ng tren.
      “Simula ngayong Valentine’s day hanggang 16 Pebrero 2018, darating ang bulto ng mga spare parts na gagamitin para sa pagsasaayos ng mga depektibong bagon ng MRT-3. Kaya naman asahan na sa mga susunod na buwan ay unti-unting mararanasan ang mas mabilis at mas maayos na serbisyo ng MRT-3 para sa mga mananakay na Pilipino. Maligayang araw ng mga puso!”
    Ang mga piyesa ay binili mula sa Pink Armour Corporation (spare parts para sa power at Overhead Catenary System), Linkers Enterprises (rolling stock), Nikka Trading (riles).
    Bukod sa mga local dealer, may mga piyesa na manggagaling sa Germany, iba pang bansa sa Europe at China.
    Dahil sa madalas na pagkasira, kulang na ang mga tren ng MRT na bumibiyahe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending