Angel ayaw makipag-date kay Neil sa V-day

By Julie Bonifacio February 14,2018
share this

Angel ayaw makipag-date kay Neil sa V-day

By Julie Bonifacio February 14,2018
share this

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

NAKAUSAP namin si Angel Locsin sa red carpet ng Film Development Council of the Philippines’ Film Ambassador’s Night na ginanap sa Sampaguita Gardens, New Manila, Quezon City last Friday. At doon ay umamin na siya sa tunay na relasyon nila ng businessman na si Neil Arce.

“Ever since naman open ako sa inyo. Kaya lang nu’ng time na ‘yun, kasi hindi pa talaga namin alam kung ano ba talaga ‘yung label. Pero eto, meron na kaming relasyon,” pagri-reveal pa ni Angel.

Klaro na raw kasi ngayon kung ano sila ni Neil sa isa’t isa, “Sabi ko Neil, nahihirapan na ako sa interviews, ano ba? Lagyan na natin ng something, ganu’n. Tapos tawa siya nang tawa. ‘Ikaw lang naman ‘yung ayaw,’ sabi niyang ganu’n.”

Ngayong love month lang daw talaga sila naging mag-on officially. At least, umabot sila sa Valentine’s, ‘no, “Akala ko nga aabot pa ng Valentine’s day, e. Sabi ko, tagal na. Pag-usapan na natin kung ganito katagal. Kaya nga, mas nauna pa ninyong nalaman kesa sa aming dalawa, e. Kaya nga natatawa ako!”

Wala naman daw siyang masabi kay Neil bilang boyfriend dahil magkaibigan na raw sila for several years. Pero ayaw munang magsalita ni Angel kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nila.

“Parang hindi ko naman ‘to gagawin kung hindi naman kami nakakakita ng parang, ‘Ay, okey ‘tong tao na ‘to.’ But right now, parang we’re taking our time. Ine-enjoy pa lang namin. I’m just happy na nandiyan siya sa tabi ko.”

Kung si Angel ang tatanungin, ayaw niyang makisabay sila ni Neil sa celebration ng mga lover na magdi-date sa V-day. Napaka-traffic daw kasi. Although, say ni Neil sa kanya, may inihanda na raw simpleng dinner ang boyfriend niya for their date.

Samantala, binalak nina Angel at Neil na dumalo sa special screening ng “Meet Me In St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla. Ex-girlfriend ni Neil si Bela at kaibigan naman ni Angel ang kapareha ni Carlo.

“Actually, si Neil talaga ang kaibigan ko. Tapos nakilala ko siya (Bela) through Neil.” Open naman daw siya na mas maging close sila ni Bela bilang magkaibigan. Willing din si Angel na makatrabaho si Bela someday.

On FDCP’s recognition for her, very honored si Angel sa ginawang pagkikila sa kanya ng grupo ni Chairperson Liza Dino sa nakuha niyang karangalan sa 57th Asia-Pacific Film Festival sa Phnom Penh, Cambodia.

Nanalo si Angel ng Best Supporting Actress mula sa movie niya with Lipa Cong. Vilma Santos at Xian Lim, ang “Everything About Her.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending