Ravena nakopo ang ikalawang PBA Player of the Week award

By Melvin Sarangay February 12,2018
share this

Ravena nakopo ang ikalawang PBA Player of the Week award

By Melvin Sarangay February 12,2018
share this


MULING nagpamalas ng husay si NLEX Road Warriors rookie guard Kiefer Ravena para maging unang manlalaro na nagwagi ng dalawang PBA Press Corps Player of Week award ngayong season.

Ang 24-anyos na NLEX freshman guard ay nag-average ng all-around na numerong 16.5 puntos, 7.0 assist, 6.5 rebound at 1.5 steal sa 29 minuto para tulungan ang Road Warriors na talunin ang Meralco Bolts at Alaska Aces nitong nakalipas na linggo.

Tinalo ni Ravena para sa lingguhang parangal na ibinibigay ng PBA Press Corps ang mga kakamping sina Kevin Alas at Larry Fonacier, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, Jeff Chan at Matthew Wright ng Phoenix Petroleum, JP Erram at Mike DiGregorio ng Blackwater at Rain or Shine slotman Raymond Almazan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending