Horoscope, February 13, 2018

By Madam Sophia February 13,2018
share this

Horoscope, February 13, 2018

By Madam Sophia February 13,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, bigla ang dating ng suwerte, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Sa pag-ibig, ireserba ang lakas, para bukas! Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Habang pabago-bago ang panahon may bahagyang karamdamang mararanasan. Ngunit madali ka namang gagaling sa sandaling nasabak sa isang mainit at nag-aalab na romansa na habang dinadama mo ay parang wala ng bukas pa. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop ang sabaw upang lumakas ang kanyang tuhod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Sa pag-ibig may masarap na romansang mararansan sa araw ng ngayon at ganon din sa araw ng bukas. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal tuloy ang pasok ng magandang kita, habang sa pag-ibig may manaka-nakang tampuhan sa umaga na pagdating ng hamon ay mauuwi din sa mainit na romansa. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung lagi kang in love at kung laging masigla ang iyong libido. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste yan, wala silang paki-alam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa ‘yo, ikalulungkot mo lang ‘yan. Ganon pa man dahil mahal ka ng langit ang mga bagay na wala sa iyo at mga bagay na gusto mong mapasa iyo ay isa-isa ng darating. Laging magpasalamat sa nasa itaas sa mga biyayang iyong natatanggap. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Agla-Aum.” Blue at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, walang magagawa ang mga paa mo kundi ang sumama sa isang taong matagal ka ng inaaya. Sa pagsama sa kanya, dagdag na suwerte at ligaya ang iyong mapapala, na may pabaon pang espesyal na regalo. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin mong Valentine’s day na bukas. Kapag lagi kang masaya, mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 4, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Panahon na upang sundin ang tinitibok ng puso! Sa buwang ito ng Pebrero gagabayan ka ng iyong emosyon upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig patuloy ang lihim na pakikipag-romansa sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat sa Diyos. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, iplano na kung saan kayo mag-de-date ng mahal mo para bukas at sabihin na rin sa kanya ang mahiwagang salitang, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang mga labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending