Menor de edad na member ng all-male group nakabuntis: 'Na-curious lang!' | Bandera

Menor de edad na member ng all-male group nakabuntis: ‘Na-curious lang!’

Julie Bonifacio |February 13,2018
facebook
share this

Menor de edad na member ng all-male group nakabuntis: ‘Na-curious lang!’

Julie Bonifacio - February 13, 2018 - 12:15 AM


NAG-AALALA ang members ng isang all-male group sa kanilang kasamahan na ilang linggo nang hindi nila nakakasama regular appearance nila sa noontime show.

Any moment ay puputok din ang katotohanan sa ‘di pagre-report sa show ng naturang member dahil nag-umpisa na ang bulung-bulungan sa loob at labas ng studio ng kanilang programa.

Ayon sa aming source, nakabuntis ang binata who is much older than him. At ang chika minor pa ang member ng grupo. We heard, pilit na kino-contain ng mga bossing sa show na kinabibilangan ng all-male group ang isyung ito.

Tinitimbang pa siguro nila kung ano ang best na gawin since minor pa nga ang involved. Either tigil muna siya sa pag-aartista or tuloy pa rin sa showbiz pero haharapin ang consequences nang pag-amin niya tungkol sa pagkakabuntis niya doon sa girl. Tutal hindi lang naman siya ang minor na naging ama sa showbiz.

Ang tingin nga namin sa sitwasyon, agrabyado ‘yung girl na nabuntis kaysa kay minor. So, all she had to do is wait for the “youngest member” ng grupo to reach his adulthood bago siya makagawa ng desisyon na naaayon sa batas.

Ayon sa aming source, wala raw relasyon si member doon sa girl. For curiosity’s sake lang daw kaya sinubukang gawin ‘yun ng guy as part of his growing-up years.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending