Ruru, Gabbi pinaligaya ang batang may butas sa puso, bumili ng alkansya | Bandera

Ruru, Gabbi pinaligaya ang batang may butas sa puso, bumili ng alkansya

Jun Nardo |February 13,2018
facebook
share this

Ruru, Gabbi pinaligaya ang batang may butas sa puso, bumili ng alkansya

Jun Nardo - February 13, 2018 - 12:10 AM


PANALO ng brand new car si Ruru Madrid bilang second grand winner ng All-Star Videoke episode last Sunday. Bale ang Kapuso actor ang second winner ng sasakyan after Miguel Tanfelix na nakuha ang tamang kumpletong lyrics ng pinahulaang kanta.

Samantala, pinasaya nina Ruru at Gabbi Garcia ang isang bata na may butas sa puso nang bumisita ito sa taping ng GMA series nilang Sherlock Jr. Inilabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kuwento ng batang si Allen na paborito si Gabbi.

Bumili rin ang Kapuso loveteam ng ibinibentang alkansiya ng bata na gawa ng kanyang ama. Pangdagdag ang perang kikitain sa benta ng alkansiya sa second major operation niya.

Kitang-kita sa mukha ni Allen ang tuwa sa tulong nina Gabbi at Ruru at siyempre, ang makasama kahit ilang minuto ang idolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending