Hunk actor di dapat pakabog kay Mark, mag-out na rin

By Cristy Fermin February 13,2018
share this

Hunk actor di dapat pakabog kay Mark, mag-out na rin

By Cristy Fermin February 13,2018
share this

MARK BAUTISTA

SA maraming umpukan ngayon ay palaging bumibida sa kuwento ang sinulat na libro ni Mark Bautista.

Nagpakatotoo kasi ang magaling na balladeer sa kanyang librong “Beyond The Mark.”

Ikinuwento niya ang naging pagsasalo nila sa kaligayahan ng isa niyang bestfriend. Ang minsan ay naulit pa, pero sa pinakahuli nilang pagbiyahe sa alapaap ng kaligayahan ay nagkasundo sila, iiwasan na nilang mangyari pa uli ang ganu’n katamis nilang pagsasama.

Dahil du’n ay lumutang ang opinyon ng mga kababayan natin. Alam na alam agad nila ang sagot kung sino ang male personality na tinutukoy ni Mark Bautista sa kanyang libro.

Wala namang magawa ang male personality na pinagdududahan, kailangan lang nitong lunukin nang lunukin ang mga bintang, dahil hindi naman ito pinangalanan ni Mark sa kanyang pagsasalaysay.

Naiinis din ngayon ang isa pang hunk actor na pilit na pinasusulat din ng libro ng kanyang mga bashers.

Hindi raw ito dapat magpakabog, usung-uso na raw ang pag-a-out ngayon, kaya hindi ito dapat magpahuli sa biyahe.

Kainis lang ng hunk actor, ipinagtutulakan kasi ito ng mga bashers na walang magawa sa buhay, kaya ang kanyang gender ang pinagdidiskitahan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending