B-day wish ni Kris inilaan para sa 2 anak: Love? Forget it na lang!

February 13,2018
share this

B-day wish ni Kris inilaan para sa 2 anak: Love? Forget it na lang!

February 13,2018
share this

 


NASA Amerika na ngayon ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby. Walong araw silang mawawala sa bansa kaya doon na magse-celebrate ang Queen of Social Media ng kanyang 47th birthday.

Siguradong susulitin na nina Kris ang kanilang bakasyon US dahil sa darating na Feb. 20 ay babalik na uli sila sa bansa dahil marami na namang naghihintay na trabaho kay Tetay.

Birthday na ni Kris bukas (Feb. 14) at bago nga sila umalis patungong Amerika ay nagpasalamat na siya sa lahat ng bumati sa kanya at nagpadala ng bulaklak at regalo sa pamamagitan ng Instagram.

“I’m not allergic to flowers — thank you God! I was told to avoid a few but none of my favourites… there won’t be individual THANK YOUs in this post, I’ve already personally text all those I had contact numbers of.

“God has BLESSED me to overflowing. Please believe me when I quote: Romans 12:12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer… Where I am now is living proof of where faith & the love & prayers of those who care for you can take you. #gratitude #lovewins.”

Nu’ng huli naming makachika si Kris tinanong namin siya kung may mahihiling pa siya sa kanyang kaarawan.

“Parang sobrang kapal na ng mukha ko kung meron pa akong hihilingin kay God at this point. Who wouldn’t want love, right? But I said, forget it.

“I just really want my children to grow up healthy, happy, secured, good-natured, generous, and respectful. And I think if I’m able to raise them that way, I’ve already gotten what I already prayed for,” ani Kris.

Samantala, masayang in-announce ng Team KCA na may sarili na ring website si Kris. “We have a new milestone in KCA’s digital journey…we are launching her very own website. Please visit www.krisaquino.ph.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending