Angelica napamura sa bagong hugot kay ex: Hindi naman 'to gwapo...lapad ng noo mo! | Bandera

Angelica napamura sa bagong hugot kay ex: Hindi naman ‘to gwapo…lapad ng noo mo!

|February 13,2018
facebook
share this

Angelica napamura sa bagong hugot kay ex: Hindi naman ‘to gwapo…lapad ng noo mo!

- February 13, 2018 - 12:05 AM

PINAHUGOT at pinatawa na naman ni Angelica Panganiban ang kanyang social media followers sa bagong pasabog niya tungkol sa “manloloko” niyang “ex-boyfriend.

Nabasa namin ang mga naging pahayag ng Kapamilya “Hugot Queen” sa isang interview kung saan ipinagdiinan niyang hindi naman “kagwapuhan” ang kanyang ex-dyowa. Aniya, wala raw talaga silang formal break-up.

Sinubukan daw niyang tawagan para kausapin ang guy, “Akala ko tayo? Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap. So, naisip ko, break up na siguro yun?”

Ayon sa nasabing panayam, baka raw walang signal ‘yung ex niya kaya hindi sumasagot, “Mukhang may signal naman siya kasi may mga videos na lumabas na nasa island sila, sumasayaw sila, mga bangag sila. So sabi ko sila na siguro, ‘di lang ako na-inform.”

Hugot pa ng dalaga, “Yung iniisip mo na, ‘Tang*****a, hindi naman to gwapo ah.’ Yun ang tagal mong iniyakan, ang tagal mong pinagsilbihan, ang dami mong inadjust at kinalimutang mga tao o paniniwala sa buhay tapos talaga? Ikaw pa yung iiwan? Lapad ng noo mo, ‘day!”

Aniya pa, “Wala na. Hinihintay ko na lang yung buong pagpapatawad. Hindi ko lang pwedeng madaliin, tsaka hindi mo pwedeng ibigay yung tawad sa taong hindi humihingi ng tawad.”

Hindi man diretsong pinangalanan ni Angelica, naniniwala ang kanyang fans na si John Lloyd Cruz ang tinutukoy niya sa nasabing interview.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending