Mareklamong female star nawalan ng trabaho dahil sobrang epal

By Reggee Bonoan February 13,2018
share this

Mareklamong female star nawalan ng trabaho dahil sobrang epal

By Reggee Bonoan February 13,2018
share this

 

MAY nakatsikahan kaming TV executive mula sa isang TV network, ang naging takbo ng usapan namin ay tungkol sa aktres na may attitude.

“Huy, musta na? Ano ang project ni _____ (kilalang aktres) ngayon?” bungad sa amin ng TV executive nang magkita kami sa isang coffee shop.

Napaisip kami dahil wala kaming alam sa ngayon dahil hindi naman kasama ang aktres sa mga bagong teleseryeng ipalalabas this year. “Wala po kaming balita,”say namin sa aming kausap.

“Talaga? Naku, baka alam na nila ang ugali niya. Maepal ‘yan, eh. Walang galang sa katrabaho, sumuko lahat ang staff ko sa kanya. Gusto niya siya masusunod, e, di siya na lang mag-produce ng sarili niyang show,” pagtatapat sa amin.

Nagulat kami to the max bossing Ervin dahil hindi inakalang may ganu’ng ugali ang aktres. “Ano ka ba, hindi ka ba updated? Kaya nga hindi na namin ‘yan binigyan ng project kasi walang gustong makatrabaho. Lahat sumuko!” diin pa sa amin.

May natandaan kaming kuwento na kaya umalis ang magaling na aktres sa isang programa ay dahil binastos siya ng aktres na pinag-uusapan namin ng TV executive dahil gusto niya ay siya ang gawing leading lady.

“Parang may narinig nga akong ganyan, siya nga ba ‘yun? Wait tawagan ko ‘yung nagkuwento sa akin,” sabi uli ng TV executive sa amin sabay dial sa kanyang cellphone.

Hayun, bingo! Tama nga bossing Ervin, siya nga! At heto pa ang tsika ng aming kausap, “Lahat kasi gustong papelan, pati pagdidirek pinakikialaman, pati script binabago kaya nagagalit ang writers sa kanya. Ganyan-ganyan siya sa amin.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending