Erich, Lovi pagalingang makipag-sex kay Tom | Bandera

Erich, Lovi pagalingang makipag-sex kay Tom

Ervin Santiago |February 13,2018
facebook
share this

Erich, Lovi pagalingang makipag-sex kay Tom

Ervin Santiago - February 13, 2018 - 12:01 AM


WALANG galit sa isa’t isa ang dalawang lead star ng bagong “kabit” movie ng CineKo Production na “The Significant Other” na sina Lovi Poe at Erich Gonzales.

Sa ginanap na grand presscon ng pelikula last Sunday, siniguro ng dalawang aktres na hindi nila pinersonal ang madugong sampalan at sabunutan na ginawa nila for the movie.

“Yung sa sampalan scene namin na lahat parang nawindang, sobrang naging intense lang yung eksena.

Kasi dapat talaga walang suot na mga jewelry or mga accessory but then siyempre may mga ganun talaga hindi maiiwasang pangyayari na accident but then all is well,” paliwanag ni Erich.

Dugtong pa niya, “Me and Lovi we’re super okay. We’re good friends and hindi naman ako napikon. Parte yun ng trabaho and kung ano yung hinihingi sa amin we’ll just deliver.

“Siyempre bilang artista kapag may sampalan scene rini-ready na namin yung sarili namin na alam mong magkakasakitan kayo, masasaktan ka. Gusto rin naman namin na maging maganda yung pelikula na kinalabasan mo. We’re super okay,” dagdag pa ng dalaga.

Ayon pa kay Erich, sa “The Significat Other” niya naranasan ang maging kabit o third party sa isang relasyon.

“Sa movie ako si Nicole Dimaculangan, isang simpleng babae na may pangasarap at susubukin siya ng panahon at darating siya sa punto ng buhay niya na gagawan ba niya yung tama or susundan ba niya yung puso niya or isipan niya?” aniya.

Para kay Erich isang tunay na “petmalu lodi” si Lovi hindi lang sa pagiging sexy kundi maging sa ugali, “Lodi siya in so many ways kasi ano yan, fitspiration, healthy, workout ng workout, ganyan.

“So lodi Lovi idol siya and sobrang masaya ako na nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Lovi kasi kahit sa mga eksena namin parang lagi kaming galit sa isa’t isa, off cam I can say we’re good friends.,” papuri pa ni Erich sa Kapuso sexy actress.

Kayo na lang ang humusga kung sino sa kanila ang mas magaling sa kama, basta ginawa raw nila lahat para maging makatotohanan ang mga halikan at love scene nila sa kanilang leading man na si Tom Rodriguez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa Feb. 21 ang “The Significant Other” kung saan makakasama rin sina Dina Bonnevie at Snooky Serna, directed by Joel Lamangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending