Isalba ang Boracay sa amoy at barusa

By Jake Maderazo February 12,2018
share this

Isalba ang Boracay sa amoy at barusa

By Jake Maderazo February 12,2018
share this

ANIM na buwan ang ta-ning ni Pres. Duterte sa Boracay island upang ayusin ang maamoy na problema ng sewerage doon.
Sa ngayon, dalawang tourist spots ang dinadayo, ang White beach sa Wes-tern side na punung-puno ng mga hotels, at sa Eastern Side ang “kite at surfing area” naman ay ang Bulabog Beach.
Merong 200 establishments ang natuklasan ng Department of Tourism na lumalabag sa batas kabilang ang paglalabas ng kanilang “sewage” sa mga storm canals ng isla.
Labindalawang kumpanya kabilang ang dalawang hotels ang natuklasang inilalabas ang kanilang dumi hindi sa dalawang waste-water treatment companies doon na “Boracay Island water company” at “Boracay Tubi system inc” kundi sa “rainwater drainage pipes” ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Kasama na sa problema ang 47,000 residente doon na diretso rin sa kanal ang kanilang “sewerage”.
Resulta nito, ang ma-duming tubig ay bu-mabagsak sa eastern side o sa Sitio Bulabog ng Boracay na ngayo’y may amoy mapanghi at madumi ng “beach”.

Noong 2015, umabot na sa 47,460 mpn/100ml ang “coliform bacteria le-vel” doon. Ang safe level para sa paglangoy at iba pang human contact levels sa dagat ay nasa 1,000 mpn/100ml lamang.

Maging ang tubig sa White Beach ay malapit na ring mawala sa “safe level” dahil ito’y nasa 942 mpn/100ml o kulang ng 58 points at lampas na ito.
Ang ‘green algae’ sa White Beach ay dahil daw sa “untreated water “ ayon sa 5 year study ng JICA. Pero sabi ng mga old timer doon, natural Lang daw ang “algae” tuwing summer at ito ang nagpapaputi sa malapulbos na beach doon. Sabi naman ng mga eksperto, walang kinalaman ang “algae” sa pagputi at pagpino ng corals kundi ito’y “wastewater”.
Ang mga estadistikang ito ay tatlong taon na ang nakakaraan at mas lalong lumubha ngayon.
Nitong 2017, ang Boracay ang Best Island in the world ng International Travel Magazine na “Conde Nast”.
Umabot ng 1.7 milyon ang turistang bumisita sa Boracay noong 2016 ga-yong ang sukat nito’y 10 sq.kms. lamang o mas maliit ng konti sa bayan ng Navotas at doble kung ikukumpara sa bayan ng San Juan.
Tingnan ninyo, may 300 hotels, 107 restoran at bar, 34 na coffee shops at Internet cafes, pumpboat rentals at iba pa doon na nagpapasok ng P27 bilyong tourism revenues.

Lahat ito mawawala kapag hindi inaksyunan ng mga otoridad. Noong panahon ni Pangulong Noynoy, merong Presidential Task force sa pamama-gitan ng DOT, DENR at ang alkalde ng Malay, Aklan pero walang nangyari bukod pa sa naging mas malala ang polusyon.
Nagrekomenda ng panibagong EO para palakasin ang Task force itong sina Tourism Sec. Teo at DENR Sec. Cimatu noong Lunes, pero ni-reject ng pangulo.
Ang gusto ni Duterte, ipatupad muna agad-agad ang mga environmental laws, parusahan ang mga establishments na lu-mabag, kasama ang mga dating opisyal (national o lokal) na nagbigay ng mga “illegal permits”.
Anim na buwan ito, kulang na kulang, pero dapat lang gawin ngayon dahil masyado nang naba-lahura ang mga batas diyan sa Boracay at namayagpag ang “big tourism money”.
Napapanahon ito bago maging malaking basurahan ang super gandang isla ng Boracay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending