‘Spiritual liberation’ magaganap na sa Kambal, Karibal | Bandera

‘Spiritual liberation’ magaganap na sa Kambal, Karibal

|February 12,2018
facebook
share this

‘Spiritual liberation’ magaganap na sa Kambal, Karibal

- February 12, 2018 - 12:35 AM


KAILANGANG kumapit na ang manonood sa pagpapatuloy ng Kambal, Karibal ngayong gabi sa GMA Telebabad.

Kung nabitin kayo sa episode ng serye noong Biyernes, itutuloy na ang pagpapaalis ng kaluluwa ni Crisel (Pauline Mendoza) sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Dahil paunti-unti nang nagiging masama ang epekto ng pagsapi ni Crisel kay Cheska, kailangan na siyang tuluyang palayasin sa katawan na hindi kanya.

Habang nakukuha kasi niya ang mga bagay na kanyang nais, mas lalo siyang nagiging makasarili habang si Crisan, iniisip pa rin ang kanyang kapakanan.

Maging matagumpay kaya ang tinatawag na spiritual liberation sa Kambal, Karibal? Hindi kaya malagay din sa panganib ang buhay ni Cheska kapag hindi napaalis ang kaluluwa ni Crisel sa kanyang katawan?

‘Yan at iba pang kaabang-abang na eksena sa pagpapatuloy ng Kambal, Karibal pagkatapos ng Sherlock Jr..

Kasama pa rin sa Kambal, Karibal sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Jean Garcia, Miguel Tanfelix at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending