Erich nahirapang umungol sa hipuan, romansahan scene nila ni Tom | Bandera

Erich nahirapang umungol sa hipuan, romansahan scene nila ni Tom

|February 12,2018
facebook
share this

Erich nahirapang umungol sa hipuan, romansahan scene nila ni Tom

- February 12, 2018 - 12:10 AM

NAHIRAPAN o nasarapan ba ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa maiinit na eksena nila ni Tom Rodriguez sa pelikulang “The Significant Other” under CineKo Productions?

Sa nalalapit na showing ng pelikula ay nagsimula na ring maglabasan ang mga iskandalosang litrato nina Tom at Erich na kuha nga sa mga intimate scenes nila sa “The Significant Other”.

Gaano kaya katotoo ang chika na talagang nahirapan si Erich sa mga laplapan at romansahan nila ni Tom sa kama, lalo na raw sa eksenang naghihipuan sila ng kanyang leading man sa maseselang bahagi ng katawan na kailangang umungol ang dalaga.

Actually, hinayaan lang daw sila ng kanilang direktor na si Joel Lamangan kung paano nila gagawin ang mga eksena with his instruction na ipakita dapat ang pananabik at panakaw nilang mga tagpo bilang mga nagmamahalan na atat na atat sa bawat isa.

Kay nga lang daw, sa eksenang kailangang umungol si Erich ay tila naduwag daw ang aktres, gayung kitang-kita naman daw sa arte ng mukha nito ang sarap at excitement.

“Naku, panoorin na lang ninyo ang movie and be yourselves the judge. Ganu’n kagaling si direk Joel na paghaluin ang facial expressions ng nasasarapan kahit bitin sa ungol,” ang natatawa pang tsika ng aming source.

Ito na yata ang masasabing “most daring, with the bravest sex acts at halos tumambling na si Erich sa mga maiinit niyang tagpo with Tom, na nagmukha ngang barakong nagpapalahi sa mga eksena niya.”

For her part, wala rin daw pretensyon at never nagpaawat ang isa pang lead star sa movie na si Lovi Poe sa mga eksena niya lalo pa’t sanay na itong makatrabaho sina Tom at direk Joel Lamangan. Gusto lang daw sabayan kung hindi man higitan ni Erich ang bawat matatapang na eksena na ginawa ni Lovi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending