Paolo kay Maine: Dapat lang na mag-stay siya sa showbiz! | Bandera

Paolo kay Maine: Dapat lang na mag-stay siya sa showbiz!

|February 12,2018
facebook
share this

Paolo kay Maine: Dapat lang na mag-stay siya sa showbiz!

- February 12, 2018 - 12:01 AM


KUNG si Paolo Ballesteros ang tatanungin, dapat lang mag-stay sa showbiz ang Phenomenal Star na Maine Mendoza.

Nakausap ng ilang members ng enterainment media si Paolo sa presscon ng latest movie niyang “Amnesia Love” at natanong nga siya tungkol sa tambalan nina Maine at Alden Richards, at dito nga niya sinabi na naniniwala pa rin siya sa powers ng AlDub.

Feeling naman daw niya ay may inihahanda na ang GMA at ang talent management nina Alden at Maine para sa dalawa na ikatutuwa ng kanilang mga fans. Kahit naman daw silang mga Dabarkads ay naghihintay na rin sa next project ng AlDub.

Natanong din si Pao kung nagpapayo ba siya sa mga kapwa Dabarkads, “Wala naman kaming sobrang serious na usapan. Puro kabugukan lang lalo na kapag nasa barangay kami.”

Kung sakali papayuhan ba niya si Maine na ipagpatuloy ang pagho-host at pag-arte sakaling magdesisyon itong mag-quit na sa showbiz? “Oo naman. Dapat lang siyang mag-stay. Kumbaga, part na siya talaga ng Bulaga, ng Juan for All.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending