Sanya lalaban ng palakihan ng boobs kina Andrea at Kim; wala pa ring dyowa | Bandera

Sanya lalaban ng palakihan ng boobs kina Andrea at Kim; wala pa ring dyowa

Ervin Santiago |February 12,2018
facebook
share this

Sanya lalaban ng palakihan ng boobs kina Andrea at Kim; wala pa ring dyowa

Ervin Santiago - February 12, 2018 - 12:20 AM


“TOTOO po sila!” ‘Yan ang paniniguro ng Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez patungkol sa nagmumura niyang boobs.

Nakachika namin ang dalaga sa taping ng afternoon series ng GMA na Haplos kamakailan sa isang lugar sa Quezon City kung saan kinunan ang ilang nakakalokang confrontation scene nila ng magaling na Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino.

Dito nga namin napansin na parang mas lalo pang lumaki ang dibdib ni Sanya sa suot niyang pink body-hugging shirt. Kaya diretso naming tinanong ang dalaga kung nagpadagdag pa siya ng boobs?

“Hindi po, talagang ganyan na sila, may sariling buhay! Ha-hahaha! Siguro dahil lang sa damit ko kaya mas na-highlight lang,” depensa ng Kapuso actress.

Actually, isa sa bentahe ng dalaga bilang celebrity ang kanyang dibdib na talaga namang pinagdidiskitahan ng mga kalalakihan. Sa mga Kapuso stars, hindi siya magpapatalbog sa palakihan ng boobs kina Andrea Torres, Marian Rivera at Kim Domingo.

Ayon kay Sanya, hindi naman daw siya nao-offend o naaapektuhan ng mga nababasa niyang post sa social media tungkol sa kanyang katawan. Nu’ng una ay may hiya factor pa raw kapag sinasabing pinagnanasahan siya ng mga boys and tomboys, pero nasanay na rin daw siya sa ilang taon na niya sa showbiz.

Samantala, 2018 na pero wala pa ring boyfriend si Sanya. Yes, NBSB (no boyfriend since birth) pa rin ang drama niya. Hindi ba siya nainggit sa mga kaibigan niya na may lovelife?

“Minsan, oo naiinggit din, lalo na kapag kasama ko silang nagdi-dinner, namamasyal. Sweet-sweetan sila, ganyan. Pero at the end of the day, iisipin mo pa rin, siguro wala pa talaga ‘yung lalaking para sa akin, hindi pa Niya (Diyos) binibigay,” ani Sanya.

Hirit pa niya, “Kasi ang gusto ko talaga, yung magiging first boyfriend ko, siya na rin ‘yung mapapangasawa ko. Yun talaga ang ideal na relationship sa akin. Kaya habang wala pa siya, work na lang muna. Bata pa rin naman ako (21) kaya hindi kailangang magmadali,” aniya pa.

Sila raw ni Rocco ay super friends pa rin, pero hanggang du’n pa lang daw ang level ng kanilang relasyon.

Kung anuman ang meron sila ngayon, ine-enjoy lang nila. Hindi rin niya masabi kung nililigawan na siya ng kanyang ka-loveteam sa seryeng Haplos, basta sweet at thoughtful daw ang aktor at alagang-alaga rin siya sa set, pati na ang iba pa nilang mga kasamahan.

Tungkol naman sa serye nilang Haplos, ilang beses na rin palang na-extend ang afternoon series ng GMA dahil sa taas ng rating nito at sa dami ng commercials. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nina Sanya, Rocco, Thea at ng buong production sa lahat ng manonood na walang sawang tumatangkilik sa kanilang programa.

Sa itinatakbo ng kuwento, nananatiling nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ni Lucille (Thea) si Gerald (Rocco) matapos nitong buhayin ang binata sa pamamagitan ng kulam at gayuma. Abangan kung paano mawawalan ng bisa ang black magic ni Lucille sa tulong ng kapangyarihan ni Angela (Sanya).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang Haplos sa GMA Afternoon Prime sa direksyon ni Gil Tejada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending