Helen Gamboa maraming nakakalaban dahil sa pagtatanggol kay Mega

By Cristy Fermin February 12,2018
share this

Helen Gamboa maraming nakakalaban dahil sa pagtatanggol kay Mega

By Cristy Fermin February 12,2018
share this


PAGDATING kay Sharon Cuneta ay de-primerang sensitibo ang magaling na singer-actress na si Ms. Helen Gamboa. Nu’ng teenager pa lang si Sharon, kapag nagkakaroon sila ng argumento ng kanyang inang si Mommy Elaine, ay ang kanyang Mama Helen ang takbuhan niya.

Si Tita Helen ang nagpapalambot sa puso ng kanyang nakatatandang kapatid, pero inaalagaan din nito sa pangaral ang kanyang pamangkin, hanggang sa umuwi na ang Megastar sa kanilang bahay sa Dasma.

Kay Tita Helen nagtatapat si Sharon tungkol sa kanyang lovelife, ito ang kanyang balikat na iyakan, mahal na mahal ni Tita Helen si Shawie.

Kaya nga nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa paninindigan sa pulitika ay sobra ang pagkalungkot ng beteranang actress-singer, iniyakan nito ang naganap sa kanila ng kanyang pamangkin, ganu’n kahalaga si Sharon para sa kanyang tiyahin.

Nang lumabas na ang TVC ng muling pagsasama nina Sharon at Gabby Concepcion para sa isang sikat na food chain ay isa si Tita Helen sa mga kinilig at iniyakan nito ang pagkakita sa patalastas.

Parang tunay na ina na kasi ang turing ni Sharon sa kapatid ng kanyang ina, lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ay alam ni Tita Helen, maraming nakakalaban si Tita Helen sa kanilang pamilya dahil sa pagtatanggol kay Sharon.

Sa panahon ng kanyang kaligayahan ay nandiyan lang ang kanyang mahal na tiyahin. Sa kalungkutan ay isang balikat lang ang kanyang binabalik-balikan para iyakan.

Haplos lang ni Tita Helen ay maligaya na ang Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending