Female star nagpakaboba noon sa pag-ibig, pati pamilya tinabla dahil sa dyowang aktor | Bandera

Female star nagpakaboba noon sa pag-ibig, pati pamilya tinabla dahil sa dyowang aktor

Cristy Fermin |February 12,2018
facebook
share this

Female star nagpakaboba noon sa pag-ibig, pati pamilya tinabla dahil sa dyowang aktor

Cristy Fermin - February 12, 2018 - 12:15 AM

NANG dahil sa pag-ibig ay nagpakatanga nu’n ang isang pamosong female personality. Kapag naaalala niya ngayon ang mga pinaggagawa niya ay gusto niyang magtago sa ilalim ng silya sa sobrang kahihiyan sa kanyang sarili.

Naganap ‘yun nang kontrahin siya ng kanyang pamilya sa pagmamahal na meron siya para sa isang young actor na hindi nila kalebel ang estado sa buhay. Ipinaglaban niya ang guwapong bagets, sinuway ng female personality ang kanyang mga magulang, naglayas siya at tumira sa isang kilalang hotel.

Kuwento ng aming source, “Naku, ibang klaseng mainlabey ang babaeng ‘yun! Kaya niyang tablahin ang family niya. Gagawin niya ang lahat-lahat in the name of love. Ganu’n siya katindi!

“Kita n’yo naman, kesehodang lumaki siya sa karangyaan, e, tiniis niyang tumira nang malayo sa family niya para lang sa boyfriend niya nu’n na mahal na mahal niya at feeling niya, e, mahal na mahal din siya!

“Talagang bagets pa lang ang girl, e, may balls na siya, kaya niyang tanggapin na ma-disinherit siya at ma-disown ng pamilya niya, basta maipaglaban lang niya ang karelasyon niya!

“Sino ang sumuko nu’n? Ang family niya, kasi nga, mahal na mahal siya at nag-aalala ang parents niya na baka kung ano pa ang gawin niyang hindi maganda dahil sa pagkontra sa mahal niya!

“Matindi ang relasyon na ‘yun, tinamaan talaga ang girl sa guy, tumatakas sila para lang magkasama sila nang walang bantay. Kung saan-saan sila nakararating, kakuntsaba na ng female personality ang driver at PA niya.

“Pero sayang na pakikipaglaban, nalaman ng girl na bukod pala sa kanya, e, may iba pang pinagtutuunan ng attention ang BF niya. ‘Yun na ‘yun, siya na mismo ang nakipaghiwalay sa guy,” kuwento ng aming impormante.

Hindi lang nu’ng kanyang kabataan matapang at may paninindigan ang female personality, ipinakita niya rin ‘yun nang makarelasyon niya ang isang pulitikong ayaw na ayaw ng pamilya niya, giyera na naman sila ng kanyang pamilya.

“Matibay ang dibdib ng babaeng ‘yun, daig pa niya ang lalaki sa pagkakaroon ng backbone, may balls talaga siya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano nga ang isinisigaw ng mga kababayan natin? Saging lang ang may puso! Mismo!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending