Yam: Pwede akong ma-in love sa bading! | Bandera

Yam: Pwede akong ma-in love sa bading!

Reggee Bonoan |February 12,2018
facebook
share this

Yam: Pwede akong ma-in love sa bading!

Reggee Bonoan - February 12, 2018 - 12:10 AM

TULAD ng ka-loveteam niya sa pelikulang “Amnesia Love” na si Paolo Ballesteros, wala ring ka-date sa Araw ng mga Puso si Yam Concepcion. Bumalik na kasi sa Amerika ang boyfriend ng dalaga.

“May trabaho rin po ako sa Feb. 14,” say ng aktres.

Sa USA nagtatrabaho ang boyfriend ng dalaga at tatlong taon na silang magkarelasyon, epektibo naman daw sa kanila ang long distance relationship dahil kapag may libreng panahon si Yam ay siya ang dumadalaw roon.

Bagama’t matagal-tagal na rin silang magkarelasyon ay wala pa sa plano nila ang kasal, “Naku, walang-wala pa, ipon-ipon muna,” say ni Yam nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng “Amnesia Love.”

Kung sakaling ikakasal sila ay iiwan na ba ng dalaga ang showbiz? “Ay hindi naman, usapan namin six months dito at six months doon. Pero dito ko gustong magpakasal ayaw ko ro’n,” saad ng aktres.

Samantala, inalam namin ang dalaga kung seryoso siya sa sinabi niyang nagka-crush siya noon kay Paolo, “Oo, nu’ng bago lang ako, crush na crush ko siya, nagulat nga ako nu’ng nalaman ko na, eh,” biting sabi ng dalaga sabay tingin sa katabing aktor.

Hindi raw nawawala ang paghanga ni Yam kay Paolo bilang tao dahil napakabait nito. Puwede rin bang ma in-love ang dalaga sa isang bading.

“Oo naman. Pero never pang nangyari kaya madaling sabihin. Pero you can’t choose whom you love, basta nangyayari na lang bigla. Saka sa ugali ako nai-in love hindi sa pisikal. Kasi ‘yung physical nawawala naman,” paliwanag ng dalaga.

Hmmmm, sure ba siyang lalaki ang boyfriend niya ngayon? “Oo naman, walang-wala (bahid), 150% straight,” napangiting sagot ni Yam.

Pero kahit daw “Amnesia Love” ang titulo ng pelikula nila ni Paolo, hinding-hindi raw siguro mangyayari na makalimutan niya ang pagmamahal.

“Hindi nakakalimot ang pag-ibig para sa akin kasi kapag nasa puso mo ang tao, nandidiyan ‘yan at hindi mo malilimutan,” katwiran niya.

Ikalawang pelikula na nina Yam at Paolo ang “Amnesia Love”, una silang nagkasama sa “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend” kung saan nakasama rin nila sina Dennis Trillo at Anne Curtis at ipinalabas noong 2016 mula rin sa Viva Films.

Say ng dalaga tungkol kay Paolo, “Ang sarap niyang katrabaho as a leading man kasi hindi ka lang niya aalagaan but you know, aayusin niya ang hair mo, (sabay muwestra sa buhok niya). So ganu’n siya (all around).”

Ano ang mas type na karakter ni Yam, sexy o feel good? “Kahit ano challenging para sa akin, pa-sexy o feel good kasi sineseryoso ko talaga ‘yung trabaho ko, inaaral ko kaya lahat ‘yun challenging. Bawat project iba, bawa’t character iba.

“But of course, I’m more comfortable of showing a little bit of skin dahil nga ‘yung pinagdaanan ko, nagsimula ako sa isang adult drama na ‘Rigodon’ (2012), siguro dahil doon naging mas open ako na basta pa-sexy, go lang,” say ng aktres.

Abangan ang post-Valentine offer ng Viva Films, ang “Amnesia Love” sa Peb. 28.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending