Paolo bibili ng libro ni Mark: Pero may isang kundisyon.... | Bandera

Paolo bibili ng libro ni Mark: Pero may isang kundisyon….

Reggee Bonoan |February 11,2018
facebook
share this

Paolo bibili ng libro ni Mark: Pero may isang kundisyon….

Reggee Bonoan - February 11, 2018 - 01:25 AM

PAOLO BALLESTEROS AT YAM CONCEPCION

LOVELESS man si Paolo Ballesteros ay hindi naman daw magiging sobrang lungkot ang kanyang Valentine’s Day.

“Wala, eh (karelasyon). Kasama ko lola ko sa Valentine’s day kasi birthday niya ‘yun, uuwi kami ng Cabanatuan. Kung gusto ninyong malaman regarding my relationship, wala na, nganga. Zero na!” say ng bida ng pelikulang “Amnesia Love.”

Tinanong ng diretso si Paolo sa presscon ng kanyang movie kung anong nangyari sa ipinost niya noon na promise ring kasama ang nakarelasyon niyang guy, “Wala na,” saad ng aktor, “Napako ang pangako, nganga!”

Ayaw pa ring i-reveal ni Paolo kung sino ang lalaki at nagbiro na lang na, “Sa libro ko na lang papangalanan, charot!”

Hindi naman itinanggi ni Paolo na malungkot ang mag-isa lalo’t ang laki-laki ng bahay na ipinatayo niya. Hindi rin naman niya kasama ang kanyang anak dahil nasa Baguio ang bagets kasama ang ina nito.

“Bumalik na kasi sila rito (sa Pilipinas),” say ng aktor.

Ilang taon ding nanirahan sa Chicago, Illinois ang mag-ina ng aktor at doon na rin nag-aral ang bata, inakala nga ni Paolo na mahihirapan na siyang makita ang anak dahil nga nandito ang trabaho niya.

Anyway, natanong nga si Paolo kung may plano rin siyang maglabas ng libro tulad ng “Beyond The Mark” ni Mark Bautista kung saan inamin nito ang pagkakaroon ng experience sa kapwa lalaki.

“Meron, pero tungkol sa make-up transformation ko, mala-coffee table, wala pa lang akong sapat na oras kasi busy pa ako. Gusto ko ako mismo ang susulat,” say ng binatang ama.

Pero ang gusto ng tao ay tungkol sa pagkatao niya, ‘yung totoong Paolo Ballesteros, “May hindi pa ba alam ang tao?” balik-tanong ni Pao nang maka-tsikahan ng entertainment editors at ilang reporters/bloggers.

Hindi na raw gagawin ito ni Pao dahil gusto rin niyang protektahan ang anak niyang babae.

Samantala, tawang-tawa naman ang lahat ng kausap ni Paolo dahil open daw siyang gumawa ng pelikula na may leading man. Sino ang gusto niyang makatambal?

“O, ‘di si Piolo (Pascual, isama na rin natin si Mark (Bautista) kiyeme,” na sinundan ng malakas na tawanan ng press.

Okay din daw kung may intimate/love scenes silang tatlo pero ang hamon ni Paolo, “Sila ba ready? Ako ready ako d’yan.”

Mga tipong all the way ba ang kaya niyang gawin? “Eh, tanungin muna sila (Piolo at Mark) baka hindi sila payag.”

Anyway, bibili raw si Paolo ng libro ni Mark pero sa isang kundisyon, “Ide-deliver ba niya (Mark) sa akin? Kasi siyempre para may autograph.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Amnesia Love” sa Peb. 28 mula sa Viva Films na idinirek ni Albert Langitan. Kasama rin dito sina Lander Vera Perez, Maricel Morales, Polo Ravales, Vandolph Quizon, Geleen Eugenio, at Sinon Loresca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending