Piolo nabulabog sa mga pasabog ni Mark sa ginawang libro; pati si KC nadamay din | Bandera

Piolo nabulabog sa mga pasabog ni Mark sa ginawang libro; pati si KC nadamay din

Cristy Fermin |February 11,2018
facebook
share this

Piolo nabulabog sa mga pasabog ni Mark sa ginawang libro; pati si KC nadamay din

Cristy Fermin - February 11, 2018 - 12:20 AM

MARK BAUTISTA AT PIOLO PASCUAL

HINDI pa man lumalabas ang librong sinulat ni Mark Bautista ay napakarami nang personalidad na nasusunog. Nang lumabas ang kuwentong may bahagi sa kanyang libro na nagsasabing may nangyari sa kanila ng kanyang bestfriend na lalaki ay nagsimula nang mabulabog ang mundo ni Piolo Pascual.

Isang tsismis ‘yun na hindi mamatay-matay kahit pa maraming taon na ang lumilipas. Pilit pa rin silang pinag-uugnay dahil nang maghiwalay sina Piolo at KC Concepcion at humagulgol sa harap ng publiko ang dalaga ni Sharon Cuneta ay si Mark Bautista ang pinagbintangang dahilan ng kanilang break-up.

Walang nagsalitang sinuman sa kanila, pero publiko na ang nag-connect the dots, ‘yun daw ang dahilan kaya lumipat pa nga sa GMA-7 ang singer-actor. Nagkasundo raw silang magkani-kanya na ng istasyon.

Hindi naman makapagdepensa ng kanyang sarili si Piolo sa mga naglalabasang istorya ngayon dahil pa-blind item ang atake ng libro. Walang binanggit na pangalan. Basta bestfriend lang ito ni Mark Bautista.

Pero isa lang ang malinaw sa senaryong ito, nagpakatotoo si Mark Bautista, patagilid man ang kanyang mga kuwento ay nagsasalita pa rin ang pagiging totoo niyang tao.

Kahit du’n man lang ay siguradong marami nang susuporta sa kanyang sinulat na librong “Beyond The Mark,” gustung-gusto kasi natin sa mga personalidad na humaharap sa katotohanan, pinapalakpakan natin ang mga artistang nagpapakatotoo sa kanilang sarili at sa publiko.

Bibili kami ng libro ni Mark Bautista. Peksman, Batman, Superman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending