Paolo nganga ang lovelife; pero may ka-date na sa V-day | Bandera

Paolo nganga ang lovelife; pero may ka-date na sa V-day

Ervin Santiago |February 11,2018
facebook
share this

Paolo nganga ang lovelife; pero may ka-date na sa V-day

Ervin Santiago - February 11, 2018 - 12:05 AM

ROLAND ANOG AT PAOLO BALLESTEROS

SINGLE na single ngayon si Paolo Ballesteros. Pagkatapos ng relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Roland Ochoa Anog, mas ginusto niyang mag-focus muna sa kanyang career.

Sa presscon ng latest movie niyang “Amnesia Love” under Viva Films, napag-usapan ang lovelife ni Paolo dahil nga malapit na rin ang Valentine’s day. Aniya, baka raw may ka-date na siya sa Feb. 14.

“Birthday din ng lola ko, February 14 ang birthday niya kaya baka umuwi kami ng Cabanatuan to celebrate,” pahayag ni Paolo.

Sa tanong kung kumusta na nga ba ang puso niya ngayon? “Nganga. Zerowena (zero). Waley!” ang natatawang chika pa ng Kapuso TV host-comedian.

Naging kontrobersyal din ang ipinost niyang couple rings last year na may caption na “And I love you,” kaya naman inusisa rin ng ilang members ng press ang tungkol dito. “Napako ang pangako.”

Kumusta na sila ng dating dyowa? “Actually, hindi pa kami nagkikita nang personal, pero magkausap kami. Okay naman kami.”

Magkaibigan pa rin naman daw sila ng guy at nakakapag-usap din paminsan-minsan. Paano siya nag-move on sa break-up nila? “Wala, e, no choice. Basta ang maipapayo ko lang sa lahat ng nasawi, deal with it! Wala namang ibang way. Masakit, pero ganu’n talaga.”

Para raw mas mabilis siyang maka-move on sa paghihiwalay nila ng ex-BF ay isinubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending