Paolo type makatrabaho sina Mark at Piolo: Puwedeng title 'Tatsulok' | Bandera

Paolo type makatrabaho sina Mark at Piolo: Puwedeng title ‘Tatsulok’

Ervin Santiago |February 10,2018
facebook
share this

Paolo type makatrabaho sina Mark at Piolo: Puwedeng title ‘Tatsulok’

Ervin Santiago - February 10, 2018 - 12:01 AM


KUNG mabibigyan daw ng chance, gusto ni Paolo Ballesteros na makagawa ng pelikula kasama sina Piolo Pascual at Mark Bautista.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Paolo, ang “Amnesia Love” kung saan makakatambal niya ang sexy Kapamilya actress na si Yam Concepcion, sinabi ng TV host-comedian na matagal na niyang gustong makatrabaho si Papa P at dahil nga biglang naging maingay ang ilalabas na libro ni Mark Bautista, partikular na ang pag-amin nito tungkol sa isang kaibigang nakachurvahan niya, pwedeng isama na rin ang singer-actor sa dream project niya.

Nang tanungin ng press kung ano ang gusto niyang title ng pelikula nila, “Siguro ano, ‘Tatsuuulokkk!’ Ganu’n! Kayo talaga. Hindi, lagi ko naman kasing sinasabi noon pa na isa sa dream project ko ay ang makasama si Piolo Pascual. So, sana di ba?”

Sa bagong pelikula ni Paolo na “Amnesia Love” with Yam Concepcion, nagkuwento ang komedyante tungkol sa halikan at love scene na ginawa nila, “May mga maiinit na eksena sa tabing dagat. Nagpagulong-gulong kami sa buhanginan.”

Inamin ni Paolo na nailang siya sa mga nasabing eksena, “Siyempre, baka mamaya madala siya. Ha-hahaha! Etchos! Pero masaya naman.”

Sey naman ni Yam, sa kissing scene nila ni Paolo, “Malambot ang lips niya. In fairness kay Pao, maalaga, very maalaga. Talagang alalay siya sa akin sa entire scene.”

Ano ang ginawa niyang motivation sa halikan nila ni Paolo? “Ini-imagine ko na lalaki talaga siya. Mahirap kasi ang daming cameras. Walang point na magiging personalan, it’s part of the script kaya namin ginawa.”

Gaano katindi ang mga love scene nila? “Pag mas may intimate pa du’n, porn na yun!” ani Paolo.

Makakasama rin sa movie ang kasamahan ni Paolo sa Eat Bulaga na si Sinon Loresca kaya natanong ang Make-Up Transformation King kung may intimate scenes din sila ng komedyanteng macho gay,

“Panoorin n’yo na lang. Basta si Sinon dito, lalaki siya, e. Hindi siya bakla. Kaya feeling ko hirap na hirap siya. Nahirapan din kaming patigasin siya. Kasi kailangan lalaking-lalaki.”

Natanong din ang EB Dabarkads kung gaano kahirap ang ginawa niyang pagpapakalalaki sa movie? “Kung gaano kahirap ninyong paniwalaan, ganu’n rin kahirap ginawa.”

Sino ang peg niya sa kanyang role bilang isang beki na nagka-amnesia? “Inisip ko ang dating ako. Charot! Ha-hahaha! Matagal na panahon na yun (pagiging lalaki). Kalimutan na natin.”

At nang diretsong tanungin kung, “Lalaki ka talaga noon?” Mabilis niyang sagot, “Oo, dati. Ha-hahahaha!”

Sa trailer pa lang ng “Amnesia Love” ay tawa na kami nang tawa sa mga eksena nina Paolo at Yam, idagdag pa ang mga bagong pasabog ni Sinon na first time ngang magpapakalalaki sa pelikula.

Ayon kay Pao, susubukang sagutin ng pelikula kung pwede nga bang makalimutan ng isang bading ang kanyang sexual preference kapag nagkaroon siya ng amnesia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa Valentine offering ng Viva Films sina Lander Vera Perez, Maricel Morales, Polo Ravales, Vandolph, Geleen Eugenio at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan. This is under Viva Films at showing na sa Feb. 28 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending