1 patay matapos magsuntukan ang 2 magsasaka sa  Quezon | Bandera

1 patay matapos magsuntukan ang 2 magsasaka sa  Quezon

|February 09,2018
facebook
share this

1 patay matapos magsuntukan ang 2 magsasaka sa  Quezon

- February 09, 2018 - 03:32 PM
NAPATAY ng 67-anyos na magsasaka ang kanyang kanyang 53-anyos na ka-barangay matapos magsuntukan sa Quezon, Quezon kahapon,  ayon sa pulisya. Nasawi si Lorenzo Parcia, magsasaka mula sa Barangay Cagbalongo habang dinadala sa isang lokal na ospiyal matapos makipag-away sa isa pang magsasaka na si Zosimo Capanzana ganap na alas-4:15 ng hapon, ayon sa ulat ng pulis. Bago nito, hinamon ni Capanzana si Pacia ng suntakan sa hindi pa alam na kadahilanan, ayon sa ulat. Matapos ang pitong minutong palitan ng suntok, kapwa napagod ang dalawa, tumigil at naghiwalay. Sinabi ng pulisya na bigla na lamang bumulagta si Parcia sa semento at nawalan ng malay. Dinala ng kapitan ng barangay na si Leo Oliveros  sa pinakamalapit na ospital, bagamat nalagutan ng hininga bago pa man makarating. Iniulat ni Oliveros ang insidente sa pulisya at agad na inaresto si matapos na gamutin sa isang rural health unit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending