Bagani nina Liza at Enrique mala-Hollywood fantasy movie | Bandera

Bagani nina Liza at Enrique mala-Hollywood fantasy movie

Alex Brosas |February 09,2018
facebook
share this

Bagani nina Liza at Enrique mala-Hollywood fantasy movie

Alex Brosas - February 09, 2018 - 12:01 AM


BUMAHA ng papuri sa social media matapos mapanood ng netizens ang full trailer ng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Netizens were particularly awed by the visual effects and photography. Gandang-ganda sila sa seamless execution ng mga eksena. Marvelous para sa kanila ang production design.

“Paki tampal nga sa iskwater na baboy ng Kamuning ang trailer na ito para ma realize nya yung pinag o-oink-oink nya (pinagpuPUTAK nya) na ginaya ng palabas na ito ang ‘studio’ SLASH ‘monobloc’ fantaserye na sinulat nya.

“After nyong matampal, paki tuhog na rin ng kawayan sa pwet para malechon natin at maisama sa taping ng #Bagani kapag may fiesta scene! Kudos Direk Richard Arellano and Direk Lester Pimentel!”

“Bongga din ng battle scene pang-Hollywood. Talagang madaming naglalaban at malaking scene talaga.

Hindi yung malapitan ang video para lang magmukhang maraming naglalaban. Eto kita talaga kung gaano kadami mga naglalaban. Ang lawak ng mga shots.”

“Sampal sa mga taga Kamuning!! Styrofoam lang tsaka Christmas light na ginamit nung pailaw nila sa labas ng studio nila. Hahaha!! Daig pa yung nagperform na mga high school student!!”

“HD kung HD. Ang sarap panoorin. Malinaw na malinaw. Malinis ang pagkakagawa. Bongga ng phoenix at dragon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending