Daniel may bonggang sorpresa para kay Kathryn sa V-day | Bandera

Daniel may bonggang sorpresa para kay Kathryn sa V-day

Alex Brosas |February 09,2018
facebook
share this

Daniel may bonggang sorpresa para kay Kathryn sa V-day

Alex Brosas - February 09, 2018 - 12:01 AM


WALA pa palang definite date sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla to celebrate Valentine’s Day.

Sa isang report sa Umagang Kay Ganda, iniulat na kahit naman ano ang gustong maging celebration ni Kathryn ay ibibigay ni Daniel sa araw ng mga puso. Posible rin daw na himingi sila ng isang araw na pahinga mula sa taping ng La Luna Sangre o kaya naman isang weekend para ma-celebrate ang Valentine’s Day.

Ang most interesting part ay kung ano ang magiging Valentine gift ni Daniel kay Kathryn. Siguradong paghahandaan yan ni DJ.

Anyway, sa La Luna Sangre ay ipinakita ni Tristan (Daniel) ang pagmamahal niya kay Malia (Kathryn ) nang iligtas niya ito sa isang kasamang bampira. Biglang bumaligtad si Tristan at maging si Malia ay nagulat sa kanyang ginawa.

Galit na galit naman si Sandrino nang malaman niya kay Tristan na napatay lahat ng kanilang tropa sa sagupaan nila sa grupo ni Malia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending